CHAPTER 49

2000 Words

HERSHEY'S NANATILI kaming tahimik ni Herminia habang nakasakay sa kotse. Tatlong oras na ang nakalipas simula ng pumunta kami sa pamamahay nila Cassandra upang pag-usapan ang kaniyang nalalaman tungkol kay ate Hera. At matapos naming marinig ang kaniyang mga sinabi, bigla na lang natahimik si Herminia. Wala siyang sabi sabing umalis sa pamamahay nila Cassandra. Hindi ko siya mabasa, sobrang emotionless ng kaniyang pagmumukha na to the point gusto kong magkaroon ng powers para mabasa ko ang nasa isip niya. Nag-aalala sa kan'ya si Cassandra. Nag-aalala ito na baka never na siyang pagkatiwalaan pa ng taong gusto niyang maging kaibigan. Bukod pa ron, siya itong taong inaasahan naming dalawa na magbibigay ng mabibigat na tanong ngunit wala. Wala kaming ibang narinig kundi katahimikan, as in.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD