SOMEONE'S PERSPECTIVE “PAKAKAWALAN kita.” agad siyang nag-angat ng tingin ng marinig ang sinabi ng matandang lalaki. Hindi niya alam kung dapat ba itong pagkatiwalaan dahil isa itong rapist at kidnapper pero alam naman niya ang sagot sa tanong na 'yon. Wala na siyang katiting na paniniwala sa lalaking 'to, hudas 'to at walang ni isang salita. Ngunit kailangan niya ulit makuha ang tiwala ng lalaki kung gusto niyang makalaya sa mga kamay nito. Ilang araw na ba siyang nandidito? Mahigpit kumulang dalawang linggo na yata. 'Yung bagay na alam niyang makakatulong sa kan'ya para makatakas ay kinuha ng hudas, mukhang nakatunog yata sa kaniyang gagawin. Hindi niya alam kung may dapat pa ba siyang hintayin, hinahanap ba siya ni Ms. Hera? Nag-aalala ba ito sa kan'ya? Ang pamilya niya kaya? Umiiyak

