HERA'S PERSPECTIVE “Itay!” masayang batid ng dalawang magkapatid habang tumatakbo sila sa kanilang itay na bagong dating sa trabaho. Mabilis na binuka ng malaki ng kanilang itay ang mga bisig nito para salubungin ang yakap nilang nagpapagaan sa dibdib ng matanda. “Itay anong pagkain natin?” tanong ng batang si Hershey habang nakalambitin sa leeg ng kaniyang ama. Halos lumuwa naman ang mga mata ng kanilang ama dahil sa kagagawan ni Hershey kaya bumitaw na siya rito at kumapit na lang sa braso nito. “Kayong mga bata kayo, hala sige at patayin niyo ang itay niyong dalawa.” sermon sa kanila ng kaninang Ina na nakamasid sa kanilang dalawa. “'Yang mga kapatid mo talaga na 'yan, oo! Gusto pa yatang patayin ang Itay nila.” batid nito sa kay Hera na nakamasid din sa tatlong taong nagsasaya. “Ha

