“Hera…” para akong natuod sa aking pinagkakatayuan ng marinig ang boses na sobrang familiar sa dalawa kong tainga. Hindi ako pwedeng magkamali at alam kong never akong magkakamali. Maayos ang aking pandinig at alam kong hindi ko niloloko ang aking sarili. May tao sa likuran ko at medyo malapit siya sa akin dahil ramdam ko ang presensyang pinaparamdam niya sa akin. Sobrang bilis ng t***k ng aking puso, ang pakiramdam ko nga ay lalabas na ito sa aking dibdib. 'Yung t***k mg puso ko sobrang lakas halos marinig ko na nga ang badump badump ng dibdib ko. Ang hinihiling ko na lang ay sana hindi niya ito naririnig. Dalawang buwan kaming hindi nagkita at nakakahiya naman kung ang unang maririnig niya pagkita namin ay ang malakas na kabog ng dibdib ko ng dahil sa kan'ya. Huminga ako ng malalim at

