Tumunog ang phone ni Lalkha habang tinatahak niya ang daan patungong AG Zenith. Kinapa niya ang aparato sa loob ng kanyang backpack. AG Calling… Inipit niya sa pagitan ng tainga at leeg ang phone habang naghuhukay ang mga kamay sa loob ng dalang bag na pinagtaguan niya ng kanyang company ID. Pinakatagu-tago niya talaga iyon at baka makita ng Kuya Lucas niya. “Lalkha?” “Op, boss?” “I can’t come to the office today,” paos ang boses nitong usal. Tila may coral sand sa lalamunan nito. His voice sounded breathy and strained. Naudlot ang akma niyang paghakbang papasok sa entrada ng building. “Bakit gan’yan ang boses mo? May sakit ka ba?” nag-aalala niyang usisa. “Mabigat lang ang ulo ko.” Lihim siyang napaungol. Isinuot niya ang ID at dumerecho sa likod ng reception desk. “Uminom ka na b

