Kaisler’s Point of View Matapos ang klase ko ay agad kong inabangan si Ash sa labas ng klase niya. Hindi rin naman nagtagal ay nagdismissal na sila. Agad kong hinawakan ang kamay niya na siya namang kinagulat niya. Napatigil siya maging ang pinsan niyang si Zuri. Napatingin silang dalawa sa akin na parehong may halong pagtataka. Napangisi tuloy ako. “May gagawin ka ba ngayon?” Hindi agad siya nakasagot. Sa tingin ko ay pilit pa ring pinoproseso sa isip niya na naandito ako sa labas ng klase niya. “Anong ginagawa mo dito?” Nagkibit balikat ako sa tanong niyang iyon. Hindi pa ba obvious ang sagot? Hindi ko malaman kung inosente ba siya o manhid. “Hinihintay ka.” Napa-ohh si Zuri bago tapikin si Miru sa balikat. “Mauna na ako. Mukhang may usapan kayo ni Kaisler. Ayoko namang maging thir

