Chapter 10:

2159 Words
Miru’s Point of View Bigla akong natakot. Natakot ako kay Kaisler. Iba siya. Para bang hindi siya tao. “M-Miru, are you okay? You are spacing out.” Napatigil ako sa pag iisip ng kung ano ano nang magsalita si Mommy. Napatingin din sila Kuya at Daddy “S-Sorry, Mom. May iniisip lang po. Anon gang pinag uusapan natin?” Hindi ko nga alam kung may pinag uusapan ba kami o tahimik lang kaming kumakain. Damn, that guy is giving me the creeps. “Are you okay? May problema ba? You can tell us.” Nag aalala tanong naman ni Daddy sakin. Agad akong umiling. “Wala po. I’m okay, Dad. Sorry for making your worry.” Pilit akong ngumiti sa kanila. Parang wala ako sa sarili ko. Ni hindi ko na nga matandaan kung anong ginawa namin ni Brent matapos namin umalis sa café, eh. “You’re lying. Alam namin kapag nagsisinungaling ka, Miru.” Mariin akong napapikit nang marinig ko iyon. Nahuli nila ako. Si Mommy pa. Ang galing bumasa ng emosyon niyan. Hindi ko kayang magtago sa kanya. “But I will not ask anymore. Alam ko naman na kung gusto mong i-open ay sasabihin mo samin. Tell us when you’re ready.” Napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang malambing niyang pagngiti. Somehow, it soothes my heart. Nang mapatingin ako kay Kuya ay agad na naman akong kinabahan. Nakatitig pa rin siya sakin at tila ba ang dami niyang tanong. Ako ang unang umiwas ng tingin dahil hindi ko pa rin siya kayang pansinin. Naaalala ko lang na gangster siya kapag nakikita ko siya. Naglihim siya sakin, nililihim niya lahat samin. “I’m done eating. Thanks for the food.” Tumayo na si Kuya at dumiretso sa kwarto niya. Nararamdaman ko rin na kagaya ko ay umiiwas din si Kuya. Natatakot siguro na magtanong na naman ako tungkol kay Kaisler. As if. I’m so done with him. Hangga’t maaari ay ayoko siyang pag usapan. “I’m done, too.” Nagpaalam na ako kila Mommy bago umalis at magtungo sa kwarto ko. Tinawagan ko nalang si Zuri para may makausap. Baka may alam siya tungkol kay Kaisler—Oh, akala ko ba ayaw mo na at naiinis ka? f**k, bakit ba pilit ko siyang kinikilala? Hindi ko rin talaga maintindihan ang sarili ko. Habang tumatagal ay parang nararamdaman kong matagal ko na siyang kilala. Pakiramdam ko ay hindi ito ang unang pagkikita namin. Hindi ko maalala. My memories are vague. I can’t seem to remember my childhood. “Chase…” Agad akong napakapit sa ulo ko. Bigla itong sumakit. Tila ba may naaalala ako pero hindi ganoong kalinaw. That name, where did I heard them? Parang pamilyar pero parang hindi. “Chase, why?” “Help me…” “Chase…” “Agh!” Sobrang sakin ng ulo ko. Hindi ko alam saan nanggagaling itong pangalan na tila ba bumabalik ng paulit ulit sa isip ko. “D-Damn, make it stop!” Hindi ko mapigilan. My head is throbbing and it’s killing me. B-Bakit parang may mga alaalang bumabalik sa isip ko pero hindi ko matandaan kung kailan ito nnagyari? “Miru!” Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Nakita ko si Kuya na halatang nag aalala. “K-Kuya…” Lalapitan ko na sana siya nang biglang magdilim ang paligid ko. “Friends forever?” “Forever…” “Chase will be my forever best friend.” “Stop it you are annoying.” Why did he change? Suddenly, he became different. “Chase…” “I said stop!” “Chase, why?” “No, stop it. If you call my name again, they will kill you.” “Help me…Chase.” “Chase…” “Chase!” Napabalikwas ako nang magising ako mula sa pagkakatulog. T-That’s a dream? Napakapit ako sa dibdib ko at tila ba hinahabol ang aking paghinga. What happened? “Miru, that goodness you’re awake. You made us worried.” Nakita ko si Ate Cass. Siya ba ang nagbantay sakin habang tulog ako? Halata ang pag aalala sa mga mata niya. “Nasaan ako?” Hindi pamilyar ang lugar sa akin. Hindi ito ang kwarto ko. Nakita ko rin sa hindi kalayuan sila Zuri at Kuya. “Hospital. Sinugod ka ni Kuya Cyrus nang bigla ka nalang daw magsisigaw kanina at nawalan ng malay. Anong nangyari sayo?” Nag aalala ring tanong ni Zuri. Ano nga bang nangyari sakin? Napatungo ako. Wala na naman akong maalala sa mga nangyari. “Nasan sila Mommy at Daddy?” Pag iiba ko ng topic. Hindi ko naman kasi alam kung anong isasagot ko. “Nasa labas lang, kinakausap sila ng doktor. Bibili na rin daw sila ng pe-pwedeng kainin.” Tumango tango nalang ako sa isinagot ni Ate Cass sa tanong ko. “Labas lang ako.” Hindi pa man ako nakakatingin sa kanya ay agad na lumabas si Kuya. Galit pa rin ba siya? Hanggang ngayon? Alam ko naman na ako ang nagsimula ng lahat pero kahit ba ganito na ang lagay ko ay pairalin niya pa rin ang galit niya? Bahala nga siya. Hindi pa man ganoong katagal ang nawawala si uya ay biglang nagbukas na naman ang pintuan ng kwarto. Akala ko noong una ay sila Mommy na ito pero hindi. “Hi Miru, buti at gising ka na. Pumunta agad kami nang malaman ko kay Mama ang nangyari sayo. Are you feeling okay now?” Ngingitian ko na sana si Ellis dahil sa concern niya kaya lang ay hindi ko iyon nagawa nang makita ko ang isang asungot sa tabi niya. The hell is he doing here? “Kaisler, anong ginagawa mo rito?!” Gulat na gulat si Ate Cass nang makita ang asungot na tinutukoy ko. Tama, anong ginagawa niya dito? Hindi niya pinansin si Ate Cass at dali-daling lumapit sakin. Kailangan ko na bang tumakbo palayo? Pakiramdam ko ay siya ang papatay at magpapadali sa buhay ko. “Glad too see you’re okay. Damn girl, you made worried sick.” Natigilan ako sa sinabi niya. Wait, tama ba ang naririnig ko? Hindi ba nabibingi ako? Pakiramdam ko kasi mali iyong narinig ko mula kay Kaisler. May diperensya na ba ang utak ko kaya nag hahalucinate ako ngayon? “H-Huh?” Hindi talaga magsink in sa utak ko ang mga sinabi niya. He was worried? Really? parang imposible naman ata. “Nag alala ako nang marinig ko kay Ellis na sinugod ka sa ospital kaya sumama ako sa kanya. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo.” Bigla akong kinilabutan sa kanya. Bakit parang nag iba ang simoy ng hangin? Totoo ba ang mga pangyayaring ito o isa na naman sa mga panaginip ko? “Kaisler, seryoso ka ba? Hindi ko matandaang close kayo ni Miru para maghysterical ka ng ganyan.” Tiningna niya si Ate Cass at nakita ko ang pagngiti niya. Ibang iba ito sa mga ngiting ipinipakita niya sa araw araw. “Do I look like I’m joking to you, Ate?” Kahit ngayon, masasabi mo talaga na sarkastiko ang lalaking ito. Should I believe na nag aalala siya sakin o dapat akong kabahan dahil pakiramdam ko isa ito sa mga plano niya—ano namang plano? Mage-end of the world na ba kaya ganito si Kaisler? Nagkibit balikat naman si Ate Cass. “I don’t know what to say. Para kasing hindi ikaw iyong Kaisler na kilala ko—na kilala namin. You look…different and you’re acting strange. Are you sick?” Oo nga, baka si Kaisler ang may sakin sa utak at hindi ako? “Miru—” “Miru!” Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan at nagmamadaling pumasok ang isang lalaki. “Buti naman at ayos ka lang. May masakit ba sayo? Ano bang nangyari?” Natatarantang tanong ni Brent sa akin. Hindi naman ako agad nakapagslaita. I think this is not the right time na pumunta siya dito. Kinagulat ko rin nang yakapin niya ako bigla. “You made me worried.” Bulong niya pa. Agad namang namula ang pisngi ko. s**t, hindi ako handa. “S-Sorry…” Iyon nalang ang nakaya kong sabihin sa kanila. Masyado ko nga ata silang pinag alala. “Hindi ko rin alam kung bakit o kung anong nangyari. Ang naaalala ko lang ay sumakit ang ulo ko.” Pagpapaliwanag ko. “If that’s the case, you need to rest now.” Hinawakan ni Kaisler ang balikat ko at dahan dahan akong inalalayan para mahiga. what’s with him. Parang ibang tao ang kaharap ko. “Mahirap na at baka sumakit na naman ang ulo mo. For the meantime, no visitors allowed. Magpapahinga muna si Miru. All of you get the hell out of here.” Utos ni Kaisler sa lahat. “At ikaw?” Kontra naan ni Ate Cass sa kanya. Nakita ko naman ang infamous smirk ni Kaisler. “Dito lang ako. Mahirap naman kung walang bantay si Miru, hindi ba?” Tiningnan ni Kaisler so Brent bago muling magsalita. “Ano pang ginagawa mo? Huwag ka nang umaktong gulat diyan at lumabas ka na dahil hindi ka kailangan dito.” matalim siyang tiningnan ni Brent. “And do you really think that Miru needs someone like you. Kung may kailangan mang umalis dito, hindi ba dapat ay ikaw iyon, Kaisler Chase?” Sarkastikong sabi naman ni Brent. Err, magsisimula na naman silang dalawa. Dahil sa ginagawa nila ay sumasakit na naman ang ulo ko. “Mas hindi ka kailangan ni Miru dito.” Kung lumabas nalang kaya silang lahat? Hindi naman ako mamamatay kung iiwan nila akong mag isa, hindi ba? “Alam niyo, kung mag aaway lang naman kayong dalawa pwede bang sa labas nalang? Sumasakit ang ulo ko sa inyo, eh.” Angal ko sa gitna ng pag aaway nilang dalawa. “Kita mo na? Dahil sayo sumasakit ang ulo ni Miru. Kahit kailan talaga walang kang ginawang maganda, Brent.” Ay jusko. Ayaw talaga nilang tumigil ‘no? “Kung hindi kayo titigil at nagmamatigasan kayong dalawa sa pagtatalo niyo, mas mabuti pang ako nalang ang lalabas kaysa naman bukod sa sakit ng ulo ko ay may makuha pa akong ibang sakit dahil sa pagtatalo niyo.” Tatayo na sana ako nang bigla na naman akong itulak pabalik ni Kaisler. “I told you to rest and sleep or else I will kiss you.” Natulala ako sa narinig kong iyon. Napaiwas ako ng tingin at pilit na ipinikit ang mata ko. “You’re blushing, huh? How cute.” Umayos ako ng higa sa kama bago magtalakbong gamit ang kumot. Nakakainis talaga si Kaisler kahit kailan. Cyrus’ Point of View Pagkalabas ko ng kwarto ni Miru sa ospital ay nakasalubong ko naman ang grupo nila Kaisler. What the f**k! Anong ginagawa nila dito?! “What are you doing here—” “Don’t worry, I will just visit your sister. Wala akong ibang gagawin. You have nothing to worry about, big brother.” Nakita ko na naman ang pagngisi niya. Napakunot ang noo ko. What did he just call me? Hay, wala ako sa wisyong makipagtalo kay Kai ngayon. Lumabas ako ng kwarto ni Miru para mag isip ng ibang bagay. May pilit na bumabagabag sakin. “Chase!” Hindi pa rin ako makapaniwala na isinigaw ni Miru ang pangalang iyon bago siya magising kanuna. Hindi kaya, may naaalala na siya? Tss, parang imposible pa rin itong iniisip ko. Napaparanoid lang siguro ako dahil sa takot. Takot na may maalala si Miru sa nakaraang pilit naming itinago sa kanya. Ang sabi ng doktor noon ay wala na siyang pag asang maalala pa ang mga pangyayaring iyon kaya hindi dapat ako nag aalala ng husto. Pero…bakit naaalala niya ang pangalang iyon? Hangga’t maaari ay kinakailangan kong protektahan si Miru, lalo na sa kanya. Hindi pwedeng mapalapit na naman siya sa taong iyon at magkanda-leche leche na naman ang buhay niya. Hindi ko hahayaang malagay na naman ang buhay ni Miru sa panganib. Kapag nagkataon, masasayang ang lahat ng pinaghirapan ko para mailayo siya sa panganib. Mapupunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko para lang maprotektahan ang kapatid ko. Masasayang ang pagbuo ko sa gang at sa pangalang meron ako gayon para sa kanya. Mapupunta sa wala ang pagdumi ko sa kamay ko. Hindi ako papayag na masira niyang muli ang pamilya kong pilit kong pinoprotektahan. Kung kailangan ko siyang kalabanin, gagawin ko. If erasing him into this world is the only thing to prevent the same incident to happen, I will soak my hands with blood again. I won’t mind killing him. Hindi ko hahayaang mamatay si Miru nang dahil na naman sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD