Simula nang magpakasal kami ni Riko naging mas malapit na ang mga magulang namin dalawa. Ang turing na rin sa akin ni Papa Condrad ay anak niya. Kaya excited din akong makita sila ulit. Nagpaalam mo na ako kay Mama para makapagbihis ng damit. Kaya umakyat muna ako sa aking kwarto. May natitira pa naman akong damit dito dahil marami naman akong iniwan para kung sakali na biglaan akong umuwi hindi na ako mamoblema pa. Quarter to seven na nang makarinig ako ng busina mula sa garahe. Dumating na siguro ang mga magulang ni Riko. Nakangiti akong humarap sa salamin. Bigla ko kasing naalala yung unang araw na nakilala ko sila. Halos tatlong oras din akong nag-ayos ng sarili at kinapalan ang pagmamake-up dahil gusto kong ma discourage sila sa akin kapag nakita nila ako at hindi nila itinuloy ang

