"Anak, sigurado ka na bang babalik ka sa trabaho mo sa kompaniya nila?" Tanong ni Papa nang maka-alis ng tuluyan ang mga bisita. Umupo kami sa sofa. "Yes papa why? Nagaalala po ba kayo?" "Hindi anak gusto kong malaman kung kaya mo na ba harapin ulit si Riko.” "Papa masyado na pong matagal ang six months gusto ko pong malaman kung handa na ba akong patawarin siya at harapin ang problema na tinakasan ko noon at gusto ko rin pong malaman kung talagang minahal ako ni Riko." Paliwanag ko kay Papa. Malaki ang pasasalamat ko dahil hinahayaan na nila akong magdesisyon dahil sa nangyari sa amin ni Riko ay binigyan niya ako ng kalayaan at nagtiwala siya sa akin kahit na nalaman nila ang plano sana namin Riko noon. Sa totoo lang hindi ko din alam kung bakit gusto ko pa rin bumalik sa kompanya n

