Hindi ko naisip na pwede kaming pag chismisan sa opisina. Dahil hindi naman lahat ng empleyado ay alam ang nangyari sa aming dalawa. At kahit hindi kami okay ni Riko ay hindi ko pwedeng sirain ang image ko sa kompanya lalo na kasal kaming dalawa. “Hatid na kita.” Napalingon ako kay Riko. “No. Hindi na kailangan pwede naman akong magtaxi o magpasun—“ “Riko! Ano ba!” Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta sa kotse niya. “Wag ka nang tumutol pa lalo lang tayong gagawa ng chismiss dito.” Seryosong wika niya sa akin. Napatingin ako sa paligid dahil dumadami na rin ang mga empleyado sa parking lot. Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Habang hawak ang isang kamay ay binuksan niya ang pintuan sa tabi ng driver at ipinasok niya ako sa loob ng kotse. Kunot noo akong napat

