IPINILIG ni Enzo ang kanyang ulo saka seryosong tumingin sa dalaga. “We need to talk. Can I come in?” Hindi sumagot ang dalaga. Sa halip, nilingon nito ang kuwarto bago muling humarap sa kanya. “Sorry. This is a private place. Sa labas na lang tayo.” Bigla siya nitong itinulak sa dibdib gamit ang dalawa nitong kamay. Napaatras si Enzo sa gulat. Agad namang lumabas ang dalaga saka nito hinila pasara ang pinto ng kuwarto. Dahil nasa likuran lang siya nito, nasasamyo niya ang mabangong amoy. Hindi niya malaman kung galing sa pabango ang amoy na iyon o sa shampoo nito. Halos dumikit na kasi sa mukha niya ang mismong buhok nito sa sobrang lapit niya rito. Natutukso nga siyang itaas ang kamay at suklayin sa daliri niya ang tuwid na tuwid nitong buhok na umabot hanggang sa baywang nito. Ang

