NAKASIMANGOT si Elaine nang pumasok siya sa banyo. Nag-shower lang siya sandali dahil nanlalagkit ang buo niyang katawan. May naaamoy din siyang kakaiba sa sarili niya. Hindi niya alam kung ano pa ang pinaggagawa sa kanya ni Enzo nang makatulog siya. Basta ang alam niya, mag-isa na lang siya nang magising sa higaan. Masakit na rin ang buo niyang katawan lalo na ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. Kaya tuloy nahirapan siyang bumangon. Isusuot pa sana niya ang damit niya kanina ngunit napansin niyang kulang na ang butones nito. Natanggal siguro sa pagmamadali ni Enzo na hubarain iyon sa kanya kanina. Walanghiya ang lalaking iyon! Pinahirapan na nga siya, sinira pa ang damit niya. Wala siyang nagawa kung hindi ang kumuha ng bathrobe sa walk-in closet. Iyon ang pinagtakip niya sa sarili.

