Chapter 9 - Decision

1370 Words

“PAANO nangyari ang sinasabi ninyo? Ano bang sinabi ni Elaine bago siya umalis?” Napakunot ang noo ni Enzo nang marinig ang pag-uusap ng mama niya at ng mayordoma ng villa. Kauuwi lang niya galing ng farm at nadatnan niya ang ina na masinsinang nakikipag-usap kay Nanay Elvina. Lumapit siya sa kanyang ina at humalik sa pisngi nito. “Ma, ano po bang problema?” “Nawawala si Elaine!” bulalas nito. Nagkasalubong ang mga kilay ni Enzo nang marinig ang sinabi ng mama niya. “Nawawala? Paanong mawawala iyon kung nandito lang siya sa villa?” Napailing ang kanyang ina kasabay nang pagkamot nito sa ulo. “Iyon nga ang problema roon. Kung sana hindi ako pumayag na sumama siya kina Elvina, hindi sana siya mawawala.” “Sumama siya sa inyo, nanay? Bakit?” Lalong naguguluhan si Enzo sa sagot ng mama n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD