"ANO BA, Enzo? Nakakainis ka naman!" Agad na niluwagan ni Enzo ang pagkakayakap kay Elaine nang bigla siya nitong siniko. "Ano bang ginawa ko, sweetie? Niyayakap lang naman kita, ah!" Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang magreklamo ng asawa niya gayong hanggang yakap at halik na lang ang ginagawa niya rito. Tatlong araw na ang nakalipas mula nang magkasakit ito. Kinabukasan din ay nawala ang lagnat nito. Pero wala pa ring magagawa si Enzo dahil ipinagbabawal ng doktor na magsiping sila. Kaya heto nagkakasya siya sa pagyakap na lang sa asawa kapag magkatabi sila sa higaan. Ngunit mukhang gusto pang umayaw ng asawa niya. "Nakakairita ka. eh!" Kung kanina ay nakatalikod sa kanya si Elaine, ngayon hinarap na siya nito. "Ayaw mong niyayakap kita, sweetie? Ilang araw ko nang gin

