"NORMAL lang ba na nali-late ang mga bride sa kanilang kasal?" Nagsalubong ang kilay ni Andrei sa tanong na iyon ni Enzo. "Ano bang pinagsasabi mo, ha? Mamayang alas-nueve pa ang kasal mo. Eight-thirty pa lang naman ngayon. Bakit mo sa sabihin na late ang bride mo?" Agad na tiningnan ni Enzo ang suot niyang relo. Tama nga si Andrei. Eight-thirty pa lang ng umaga. Pero pakiwari niya ay mahigit isang oras na siyang kay Elaine. "Apurado ka lang, bro. Sa sobrang pagmamadali mo nga, idinamay mo pa ako. Kalahating oras na kaya tayong nakatayo rito. Kung hindi lang kita bestfriend, hindi kita pagbibigyan. Para namang tatakasan ka pa ng mapapangasawa mo, ah. Puwede bang umupo muna tayo?" iritadong saad ni Andrei. Napa-buntunghiinga si Enzo. May katuwiran nga naman ang kaibigan niya. Pagdati

