Tori’s POV: May mga tao talagang dadating sa buhay na akala nating mananatili sa tabi natin pero hindi pala. Na paniniwalain ka ng mga bagay na kahit minsan ay hindi naman sumagi sa isip mo. Love? Ang hirap isipin kung ano ba talagang ibig sabihin no’n. Ang lawak-lawak kasi, e. Andaming ibig sabihin at andami ring paraan. Paano mo ba masasabi na love ‘yong nararamdaman mo o kung totoo bang love ‘yong pinaparamdam sa’yo? Mga taong dadating sa buhay mo na mamahalin ka, pero sa bandang huli, iiwan at sasaktan ka. ‘Yong wala nang matitira sa’yo kasi lahat naibigay mo na at nakuha na nila. Pero sa kabila no’n, mare-realize mo na kahit hindi pala naging maganda ang ending, ang mahalaga, naranasan mo at may natutunan ka. ‘Di ba? Kasi ganon naman dapat ‘di ba? Kasi ganon ‘yong nangyari sa akin.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


