SIMULA

1999 Words
Simula I don't understand why most of the girls in our school hates me. Why? I mean, I didn't do anything wrong to any of them or in general. Wala rin naman akong kinakausap sa kanila kung tutuusin. They don't even know me at all. They just know me by my name and probably because I'm the beloved princess of the Rizaldo family, they assumed that I'm a spoiled brat with a rotten personality. Nagtitinginan ang mga estudyanteng nakakasalubong namin sa hallway. Bawat isa sa kanila ay masama ang tingin sa akin. As usual, sa akin na naman! "Don't mind them, Riri. Si Xenon na bahala sa mga iyon." Ani Matrix matapos inumin ang sparkling juice na kanina pa niya bitbit. "Oo naman, Mat. Pero... what do you mean na si Kuya Xenon na bahala? What are you planning to do?" Natigil ako sa paglalakad at tinitigang maigi si Matrix. He stopped drinking his sparkling juice and showed a playful smile. Oh no! Is this trouble again? Everytime na may nangaaway sa akin, walang anu-ano'y to the rescue agad sila. Isa si Matrix sa walo kong pinsan and all of them are boys. Apat kaming nasa senior high school, ‘yung dalawa ay college student, graduate naman na ‘yung tatlo at tumutulong na sa family business nila. My cousins are known to be a chick magnet, a playboy, dangerous men! I have nothing against them, though. They’re still my cousin. Kaya lang kapag may niloko o sinaktan silang babae, ako ang pinagbubuntungan ng galit nga mga babae na iyon. Ang pinaka malalang ginawa nila sa akin ay noong ni-lock nila ako sa shower room ng gym sa school after ng P.E class ko. Kinuha nila ang damit ko sa locker, pati towel at bag ko para wala akong ma-contact na kahit sino. Hindi ko na nga mataandaan kung gaano ako katagal nakulong. Ginaw na ginaw ako at natatakot, but I didn't cry at all. Ilang beses din akong nagsisigaw para manghingin tulong pero walang dumating, hanggang sa mapagod na lang ako. It's already night when Matrix and Kuya Harem found me there. I have no idea how they find me or maybe someone confessed to them because sooner or later I'm pretty sure my cousins will find out who did such horrible thing to their precious little cousin. Malala magalit mga pinsan ko and that's a fact! 'Yun na ang huling paghihiganting naranasan ko. Simula no'n, wala nang nakalapit sa akin, babae man o lalake. Kaya hanggang parinig at paninira na lang ang ginagawa nila pero kahit iyon ay hindi pinapalampas ng mga pinsan ko. "You don't need to know, Riri. What’s important is... they won't bother you anymore." Garantiya niya. I frowned. "Eh, why don't you just stop being a playboy para hindi na ako gantihan ng mga babae niyo?" "We can't do that." "Whatever! Basta please, 'wag niyo na lang akong idamay sa mga kalokohan niyo para maging tahimik ang school life ko. Okay?" I rolled my eyes at him. Dirediretso lang kaming naglakad papunta sa parking lot sa likod ng school. I wanted to transfer to a different school but my dad won’t allow me. I told him that everyone in school hates me and I'm done dealing with it. But still not enough reason to change his mind. Sumabay ako sa sasakyan ni Matrix, since wala rin naman susundo sa akin dahil may sakit ‘yung driver ko. Gusto ko na lang talagang umuwi at makapag pahinga na. I ate my dinner and went quickly to my room and took a shower. Naalala kong sa isang linggo na pala ang intramurals at maglalaro silang tatlo ng basketball. I'm not a fan of basketball or any sport. Hindi naman ako sporty na tao at ayaw ko sa maiingay na lugar. Pero dahil pinsan ko sila, I need to show them my care and support. Marami na namang mag aaway-away na babae dahil sa mga pinsan ko. Taon taon na lang ganon ang eksena tuwing intramurals. I was about to sleep when my phone rang. My cousin Harem's calling... I let out a big sigh as I answered the phone call, "What now, Harem?" "Nagising ba kita? By the way, buburahin na raw nila 'yung graffiti na ginawa nila about you." "Nope. Patulog pa lang ako. Really? Mabuti naman. Pati ako pinatawag sa guidance office dahil doon." reklamo ko. "I'm sorry about that, Ri. Sige, matulog ka na. Bye!" I sighed. He ended the call. Umayos na akong pagkakahiga sa kama at natulog. I woke up early dahil mas gusto ko na marami akong time para mag-ayos ng sarili ko. I blow dried my hair and went downstairs after. Hindi rin naman ako mahilig sa make up dahil bata pa naman ako. Grade 11 pa lang naman ako. Baka kapag nag college na ay saka na ako gagamit ng mga 'yon. "Good morning, baby!" Bati ni Mommy as she kissed my forehead. "Morning, Mom. Morning, Dad." I greeted them, smiling. My dad is busy reading the news in the newspaper. "What's wrong, Dad?" I asked him.  Halos dumikit na kasi ang mga mata niya sa diaryong binabasa. "Nothing, Seven. Sobrang delikado na talaga ang panahon ngayon." Anito sabay simsim sa paborito nitong black coffee. Sabay na kaming umupo ni Mommy at nagsimula nang kainin ang mga hinanda niya at ng kasambahay. "Wag kang pupunta sa kung saan-saan, anak ha? Dapat updated kami lagi sa iyo. Tama ang Daddy mo. Delikado na ngayon." Paalala ni Mommy. I smiled. I stared at her for a second, watching her stir her coffee mug swiftly. I adore my mom more than anything in this world. I aspire to be as fine and beautiful as her. Mas maputi lamang ang kutis ko sa kanya ng kaonti, nakuha ko naman ang mukha at iba pang feautures ko sa side ni daddy.  "I know, Mom. Besides, I'm always with my cousins." I said. My mom smiled with a satisfied look on her face. I kissed my mom and dad goodbye at dumiretso na sa sasakyan. Pumasok na akong school. Sumalubong sa akin ang tatlo kong pinsan at mga babaeng kaakbayan nila. Bago na naman? Isang malaki at kilalang university ang school na pinapasukan namin kaya imposibleng maubusan sila ng mga babaeng mabibingwit. Literal na para lang talaga sila nangingisda sa dami ng babae nila, kada araw iba ang mga kahalikan. Ako ang natatakot para sa kanila. What if... may sakit ‘yung mga babae na ‘yon? Kaya, you should only kiss one person. At dapat ay mahal mo! "Hi, Riri! I'm Shena. Xenon's girlfriend." I can't help but to fake a smile. Looking at my cousin's face, they're all about to burst into laughter. Miski rin naman ako. Poor her. Does she really believe that Kuya Xenon's serious about her? No way in hell! Wala sa bokabularyo nila 'yon. "Hi. Uhm, it's Tori..." I corrected her.   Yung ibang mga babaeng kaakbay ng mga pinsan ko ay tahimik lang. Sabay sabay na kaming pumasok sa school, nagkahiwahiwalay lang dahil iba-iba ang klase namin. Hanggang lunch break naiisip ko pa rin 'yong Shena na 'yon. I think she's a nice girl after all. Maganda, morena, mukhang matalino kaso nga lang mejo nerd ang dating. I think the only reason why Kuya Xenon dated her because her boobs are huge! Malaki iyon masyado para sa isang 17 years old. Ang mature na ng katawan niya kung titignan. Mag-isa lang akong kumakain every lunch break dahil wala nang naglakas loob na kausapin ako dahil mayayari sila sa pinsan ko. Minsan naiinis ako sa mga pinsan ko tuwing maawa ako sa sarili ko. I'm all alone. Ayaw nila na may lumapit sa akin. E paano naman ako? I look like a loser here. Mabuti sana kung sinasamahan nila ako, e. Pero nasaan ba sila?  I went to my favorite spot, 'yung bench malapit sa butterfly garden ng school. Wala namang masyadong tao roon kaya tahimik. After I finished my lunch, I decided to take a short stroll around the area. I heard a loud bang and I went straight to it to check. There's someone lying on the floor and there's a bunch of guys around him. Hindi ako lumapit agad, ayaw kong makialam. Ayaw ko rin naman mapahamak at madadamay pa ang pinsan ko. Namumuro na kami sa guidance office. Kaya lang naman sila hindi natatanggal o napaparusahan because Matrix's dad owns Rosehill University. "Ang yabang yabang mo kasi! Nakikialam ka sa plano namin." Galit na sigaw nung matangkad na lalake sabay sipa sa hita nung lalake na nasa semento.  Napahawak ako sa bibig ko sa gulat. This was the first time I saw this kind of bullying! Akala ko sa movies ko lang 'to makikita. I hated this kind of scene! Some people seemed to enjoy seeing someone suffer, but not me! "What you did is wrong!" Matapang na sagot nung lalakeng nakahandusay sa lapag. Umamba ng suntok 'yung matabang lalake. Pero bago niya pa nagawa 'yon ay binato ko siya ng napulot kong bato. Nagulat ang lahat sa nangyari, pati na rin ako. Ako? Nambato ako? Ako na ayaw nang gulo?! Well... andito na ako. Nagawa ko na. Hindi naman ako takot sa kanila o sa pwede nilang gawin, iniisip ko lang mga pinsan ko. Umaray 'yung lalake at umikot ikot ng tingin upang hanapin kung sino 'yung bumato, ganon din ang ginawa ng mga kasama niya. "Putang ina sinong nambato?!" His fuming voice echoed. "Kasamahan yata nitong lampa na 'to 'yun, Bert!" Konklusyon nung isang lalake sa harap niya. "Tangina! Nagdala pa yatang resbak!" Natatawang sambit nung maliit na payat. "Hanapin niyo sino bumato! Bubugbugin ko!" Sigaw na utos na naman nung mataba. Hinatak ng mga lalake patayo 'yung nakahandusay, "Sinong kasama mo?" Hindi pa man nakakasagot 'yung lalake ay sinikmuraan na agad ito. Umalis ako sa pagkakatago ko sa likod ng puno, tumakbo papalapit sa kanila. Wala sa sarili ay nasuntok ko sa mukha 'yung lalakeng mataba. I gave my all to that punch! I breathe heavily. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat, pagtataka at inis. Hindi ko alam kung anong plano nila na nakita na nila sinong nambato sa kanila. Whatever! "At sino ka namang tangina ka?!" Mabilis na tumayo 'yung lalake at kinwelyuhan ako. Naririnig ko pa ang pagpigil nila sa lalake. My heart beats faster than usual, that I might faint any minute. "Sagot! Puta!" Singhal nito sa mukha ko. Nanghina ang tuhod ko sa takot. Tahimik lang ako. Iniisip ko pa kung sasagot pa ba ako o hindi. "Pre, tama na! babae 'yan" "Rizaldo 'yan! Si Tori! P-pinsan 'yan si Harem!" Kabadong wika ng ilan. "Alis na tayo baka mahuli pa tayo." Hinatak ng kasamahan niya 'yung kamay ng nasa harapan ko. Alam ko na may halong takot sa mga boses nila. 'Di nagtagal ay binitawan na rin ng lalake ang kwelyo ng uniporme ko. Napaubo ako, nahirapan din ako makahinga sa ginawa niya. Tinulak nila papalapit sa'kin 'yung lalake at sinalo ko ito. "'Di mo dapat sinasayang ang sarili mo sa pagtatanggol sa talunan na 'yan." Umiling siya at  maangas na umalis. I looked at him with a poker face.  Umalis na 'to pero mukhang takot pa rin 'yung lalake sa tabi ko. Nilingon ko siya para kausapin. "Bakit ka lumabas?!" Tumaas ang boses niya. Nagulat ako sa reaksyon siya. Mukhang galit ngunit nagiiwas ng tingin. Thinking of what happened, I wish he could've fought back kahit papaano! "What? I saved you. They're gone. Bakit parang sa'kin ka pa galit?! You should've fought back." "I-I can't... they'll beat me more if that happens.." He started crying, his voice was slowly fading. "What?! Kaya nga nila ginagawa 'yon kasi hindi ka lumalaban! They're hurting you physically! Damn!" I screamed that to him hoping na matauhan s'ya. "S-so?... It's my problem not yours.." Pabulong niya lang 'tong sinabi pero dinig na dinig ko. Seriously?! What an ungrateful jerk! "I'm just concerned. What if makita ng parents mo mga pasa mo? You think they'll be happy? Magaalala 'yun! Kung nasaktan ka, mas masasaktan sila for you! Don't be selfish!" Humalukipkip ako. "I told you.. it's my problem.." Katwiran niya. The nerve of this guy! I can't... Ang tanga! "E 'di sa susunod na magpapabugbog ka, doon ka sa malayo! 'Yung hindi ko makikita! Sinasayang mo concern ko!" I shook my head in dismay. I walked away because I can't deal with him anymore. Baka pati siya masuntok ko sa inis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD