AM I STILL THE ONE? Natahimik ako saglit, inuunawa ang lahat ng nalaman ko. Pilitin ko man ang utak ko, walang kahit katiting na detalye akong naalala patungkol sakanya. Huminga akong malalim sa malumanay na paraan at humarap kay Cia. "Are you serious? Kasi hindi ko-- naguguluhan ako, C. Paano?" I paused for a moment. "Hindi ko alam 'yung buong story o kung saan nagsimula... Ang tanging alam ko lang, yung huling taon natin sa RHU. Do you still remember how we met? It's all because of Landon." Huminto siya para humingang malalim. "May binasa ka ba sa mga letters na natatanggap mo noon?" Agad akong napatingin. "P-paano mo nalaman 'yun?" Huminga ulit siyang malalim, tumingala saglit at nagisip. "Tama nga ako, wala kang binasa. Sabagay, wala ka sa ganitong posisyon kung noon pa lang nabas

