WIWYM C42 CHARLOTTE POV “Isaiah!!” Malakas kong sigaw sa kanya dahil umiiyak si Ivory. simula ng makauwi kami galing hospital ay si Isaiah na ang nag-aalaga sa kambal namin. minsan naman sina Mommy Carmela. ‘yong mga magulang ko naman ay hindi pa rin nagpakita rito, ni hindi nga nila binisita ang mga anak ko. lagi lang nilang sinasabi na busy sila. “Isaiah!!” Muling sigaw ko dhil hindi pa rin siya pumasok ng kwarto. bukas naman sana ang pinto at alam kung naririnig niya ang iyak ng anak namin. “Why?!” Tanong niya habang papasok. “What do you mean why? you didn’t hear Ivory?” Asik ko sa kanya habang nailing siyang nilapitan ang anak namin. hawak ko kasi si Isaac at pinapa-dede ko ito. “Ano ba kasi ang ginagawa mo? ‘wag mong sabihin na hindi mo narinig ang iyak ng anak mo?” Singhal ko

