Chapter 7

1689 Words
C7 After one year ay lumawak ang business namin ni Raven. Nagdagdag pa kami ng ibang branch ng hotel pati na rin sa iba’t-ibang bansa. May tatlong branch na rin kami sa Pilipinas. Hanggang ngayon ay hindi rin ako makapaniwala na nakamit namin ito. “Babe pangit, balak kung umuwi ng Pilipinas para ma-check natin ang tatlong hotel natin doon, dahil balak ko pa itong dagdagan.” Mahabang wika ni Raven habang papasok ito sa loob ng office ko. “Ikaw bahala,” sambit ko habang naupo na siya paharap sa akin. “I don’t want to go there without you,” aniya na ikina-angat ng aking mukha sa kanya. Siguro ayaw niya pa ring umuwi doon dahil sa babaeng naghahabol sa kanya na hindi naman niya mahal at pilit ipakasal sa kanya ng kanyang lolo at lola. “Alam mo naman na ayaw ko ring umuwi doon,” maktol ko namang wika sa kanya. “Eh, paano naman ang business natin doon, hindi natin ito ma-manage kapag patuloy natin iniisip ang mga fear natin.” aniya hindi ko naman mapigilang maisip sa kanyang sinabi, dahil tama naman siya. kung patuloy akong magpapadaig sa aking takot na makita ang taong dahilan ng paglayo ko. “Sige, kailan ba tayo uuwi,” ani ko. bigla naman siyang nagulat sa aking sinabi. “Really? a-are you serious? B-baka nagbibiro ka lang?” hindi makapaniwala niyang tanong sa akin. Kaya umiling ako habang nakangiti sa kanya. “Kailan ba kita binibiro?” wika ko habang nakangiti sa kanya. “Yes, thank you babe pangit,” aniya habang tumayo at nagtungo sa aking likuran at niyakap ako. Simula ng makasama ko si Raven I feel like have a kuya dahil sa kanya. Pero ayaw na ayaw niyang marinig sa akin na sinabihan ko siyang parang kuya ko, dahil sabi niya mas matanda raw ako tingnan sa kanya kaya dapat siya raw ang tumatawag ng ate sa akin, sira talaga. “Kailan ba tayo aalis? Isasama na lang kaya natin si lola, what do you thing? Ma-miss ko kasi siya kapag maiwan siya dito.” Mahabang wika ko sa kanya. “Don’t worry lolo can take care her.” aniya kaya nilingon ko siya. “Anong ibig mong sabihin?” kunot-noo kong tanong sa kanya. “Nag meet na kasi sila ni lolo and they are friends too. Anong masama roon?” wika niya habang bumalik sa pagkaka-upo. “Paano naman sila nagkakilala?” tanong ko sa kanya. “Of course they meet.” aniya. “Raven Kim!!” sigaw ko sa kanya, dahil baka may kalokohan na naman siyang pinag-gagawa kay lola. “Babe, don’t worry matatanda na sila and they know what they are doing okay,” wika niya sabay halik sa aking noo. Kaya napa-buntong hininga na lang ako. “Prepare your things babe, kasi bukas na ang alis natin.” aniya na ikinalaki ng mga mata ko, dahil bakit ang bilis naman. “B-bakit ang bilis naman?” kunot-noo kong tanong sa kanya. “Kahapon pa kasi ako nakapag-book ng flights natin.” aniya habang lumabas na ng pinto. Napailing na lang ako habang nakatingin sa nakasarang pinto rito sa opisina ko. Hindi ko naman mapigilang kabahan dahil babalik na ako sa lugar na ayaw ko na sanang balikan pa. Kinaumagahan ay maagang naghintay sa akin si Raven, dahil maaga raw ang alis namin. “Lola, ayaw mo po ba talagang sumama sa amin?” tanong ko kay lola, habang tinutulungan niya akong ayusin ang gamit ko. “Apo, alam mo naman na ayaw kong umuwi roon diba,” ngiting wika niya sa akin. “Sige po basta mag-ingat kayo rito lola at huwag kang maniwala sa mga sinasabi ni Raven sa’yo.” ani ko. habang kinuha ang aking shoulder bag. “Hay, nako Charlotte, alam mo naman iyang kaibigan mo. Kaya huwag kang maniwala kung ano man ang sinabi niya sa’yo.” Mahabang wika ni lola. Tama naman siya na maloko si Raven kaya baka niloloko niya lang ako tungkol sa sinabi niya sa lola ko at lolo niya. “Ang tagal mo naman babe.” aniya sa nababagot na boses. “Bakit naman kasi hindi ka gumamit ng isa sa mga private planes mo? Para hindi ka naghahabol ng oras.” ani ko. habang inirapan siya. “Gusto ko ng adventure,” aniya sabay ngiti sa akin. Kaya inikutan ko na lang siya ng aking mga mata. “Lola, aalis na po kami ha, mag-ingat ka rito.” wika ko habang niyakap si lola. “Mag-ingat din kayo sa byahe apo.” wika ni lola ng kumalas na kami sa payakap. “Basta lola pwede ka roon sa bahay ni lolo kung malungkot k-. ouch!” hiyaw ni Raven ng hinampas ko siya sa kanyang balikat. Natawa naman si lola sa amin kaya napangiti na rin ako. “Mag-ingat kayo mga apo.” wika ni lola habang kumakaway sa amin. “Kayo rin po lola,” ani ko habang sumakay sa driver seat dahil ako na naman ang pina-drive ni Raven. Habang sakay kami ng eroplano ay hindi ko mapigilang kabahan, dahil alam kong magagalit sa akin si daddy, almost five years ko kasi siyang iniwasan at hindi kinakausap dahil takot akong pauwiin na niya. “Are you still afraid?” tanong ni Raven habang hinawakan ang aking kamay. Kaya tumango ako sa kanya. “Ikaw?” sambit ko. naikina-iling niya. “I’m not afraid to them now babe, lalo na at may napatunayan na ako sa sarili ko and beside hindi ko na kailangan pang umasa sa yaman nila lola at lolo lalo na sa family ko.” aniya sa grandparents niya kasi na side ng daddy niya ang may gustong ikasal siya sa apo ng kaibigan nila. “Kaya huwag ka ring matakot okay?” aniya na ikinatango ko. “Are you still love him?” tanong niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. “I already forget him,” wika ko sabay sandal sa kanyang dibdib. Hinahaplos naman niya ang aking buhok hanggang sa nakatulog ako. “Babe, wake up nandito na tayo,” nagmulat ako ng mga mata ng marinig si Raven agad ko namang kinusot ang aking dalawang mata at tumingin sa paligid. Lalo namang kumabog ang aking dibdib ng makitang nasa Pilipinas na nga kami. “Let’s go.” aniya habang tumayo kaya tumayo na rin ako. Nang makababa kami ay siya na ang nag-drive ng kotse. “Sa hotel na muna tayo babe,” aniya na ikinatango ko. ayaw ko pa rin kasi makaharap si daddy at mommy baka sumbatan lang nila ako. Pagdating namin sa hotel ay agad kami sinalubong ng lahat ng staff at ng kapatid ko. kaya bigla akong tumakbo papunta sa kanya. “Ansel!!!” sigaw ko at mabilis siyang niyakap. “I thought you forget me too,” wika niya sa nagtatampong boses. “Bakit naman kita kalimutan eh, ikaw lang naman ang pinaka-gwapo kong kapatid,” ngiting wika ko sa kanya habang ginulo ang kanyang buhok. Hindi ko rin mapigilang mapatitig sa kanya dahil ang laki na rin ng pinagbago niya. Lumaki na ang kanyang katawan at nag mature na ang kanyang mukha. Pero mas lalo pa siyang pomogi. “You're change a lot ate,” wika niya habang nakatitig din sa akin. “Of course ang pangit niya kasi dati hahaha.” tawa pa ng baliw kong kaibigan. “Sira.” sambit ko habang sinamaan siya ng tingin. “Anyway I’m Raven,” abot niya sa kamay ng kapatid ko. “Ansel dude.” wika ng kapatid ko sabay abot sa kamay ni Raven. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa penthouse nitong hotel, napagkasunduan din namin ni Raven na magsama na lang kami sa isang unit. “Ate, are you done? Kailangan na nating umuwi kanina kapa hinintay ni dad.” wika ng kapatid ko habang kinatok ako sa room. Nalaman ko kasi na alam ni dad na uuwi ako dahil pinaalam ito ni lola sa kanila, kaya sinalubong din ako ng kapatid ko rito. “Yeah I’m done.” sagot ko sa kanya at binuksan na ang pinto. “Ang tagal mo namang magbihis ate, dati ang bilis lang tapos hindi ka rin naliligo.” wika ni Ansel kaya namilog ang mga mata ko dahil sa kanyang sinabi. Narinig ko naman ang malakas na tawa ni Raven kaya sinamaan ko sila ng tingin. “Kaya pala noong dito pa kami nag-aaral sa tuwing katabi ko siya mabaho siya.” dagdag pang asar ni Raven. “Mga sira!! Naliligo ako no. at ikaw Ansel siguro nasira na iyang utak mo dahil mali naman ang naalala mo.” asik ko sa kanya. Na ikinahalakhak nila. Pagkatapos nila akong asarin ay umalis na kami ni Ansel dahil may pupuntahan din si Raven at ang sabi niya ay susunod na lang daw siya sa restaurant na pupuntahan namin ni Ansel. Kailangan niya kasing makausap ang family niya. Napatingin naman ako sa labas ng huminto na ang kotse. “We’re here ate,” wika ni Ansel at lumabas. Umikot naman siya at pinagbuksan ako ng pinto. Pagkababa ko ay humawak ako sa kanyang braso habang nag-umpisa na kaming pumasok sa loob ng restaurant. “Mom, dad,” wika ni Ansel ng marating namin ang isang mesa. Mas lalo namang bumilis ang kaba ng aking dibdib ng lumingon si daddy at mommy sa amin. At bigla naman akong nagulat ng makilala ang kasama pa nilang nakaupo sa mahabang mesa. I-Isaiah, sambit ko sa isip ng makilala ko siya. napansin ko naman ang bahagyang pagkagulat niya pati na rin ang katabi niyang si Ashley. Bigla ko namang naramdaman ulit ang sakit dahil sa ginawa nila sa akin noon. Akala ko ay nawala na ito pero mas lalo pa itong sumakit habang nakikita ko sila ulit. “Charlotte, anak I miss you,” wika ni mommy kaya napatingin ako sa kanya. Tanging ngiti lang ang ginawad ko kay mommy, dahil ayaw kong mapahiya sa harap nila Isaiah kapag lumapit ako kay mommy at hahalikan ito sa pisngi, dahil alam kong ayaw niya na gagawin ko iyon sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD