WIWYM C40 CHARLOTTE POV Lumipas ang ilang buwan at napansin ko ang malaking pagbabago ni Isaiah, ni hindi na nga rin niya ako sinisigawan at sinasaktan. mas nagiging under ko pa nga siya. Lihim akong napangiti habang nakatingin sa kanya na nagluluto sa kusina. simula rin na naging buntis ako ay nasa bahay nalang siya at nagwo-work from home. marami na rin kaming katulong dahil ayaw niya na mahirapan ako, pero hindi ko naman sila inuutusan dahil siya lagi ang gusto kong gumawa. “Tapos na ba ‘yan?” Kunot-noo kong tanong habang nilapitan siya. “Yes Hon, malapit na ‘to.” Kindat niyang wika sa akin kaya napa-iling ako. “Bakit ba kasi ang bagal mong kumilos?” Inis kong wika habang umupo sa upuan. gutom na kasi ako at gusto ko nang kumain. “Nagmamadali na nga ako Hon.” Irritable niyang sa

