G I A N N A Masaya nag tatakbuhan sila Christon at Summer sa buhangin, andito kasi ngayon kami sa beach. Imbes na hotel ang kunin ni Christon mas pinili niya yung resort para mahagilap namin ang simoy ng hangin ng dagat. Habang nakatingin lang ako sa kanila nag lalaro, narinig ko nag ring ang phone ni Christon. "Chris, your phone is ringing." Pero hindi niya ako narinig, kaya tiningnan ko kung sino baka kasi importante ang tawag eh. Napakunot noo ako nung makita ko ang pangalan ng tumatawag ay Ashley, nagtaka ako. Hindi naman ata yung Ashley sa isip ko yung tumatawag kay Christon right? Napaka impossible naman na maging close silang dalawa, dahil ang pag kakaalam ko hindi na sila close ni David nung araw na umalis sila dito noon mga high school palang kami. Nag kibit balikat nalang

