"LOOK HERE," napalingon si Claire sa kurtinang hinawi ni Max. She was in awe at parang wala sa sariling napalapit siya sa glass wall. Napakagandang pagmasadan nang tanawin. Ang ilaw mula sa mga gusali sa magkakatabing buiding ay talaga namang nakakakit. Dahil mula sa kinatatayuan nila ay kitang kita niya ang bahaging 'yong ng Hong Kong. The busy street was buzzing with light. "Sa totoo lang, ang dami mo nang magagandang bagay na naipakita sa akin." Komento niya habang kapwa sila nakatingin sa magandang tanawin. She took a sip from the cup she was holding. Pero nagulat siya nang kunin nito ang hawak niyang tasa saka uminum nang kanyang kape. "Sa akin kaya 'yan." Protesta niya. "Then you should have make one for me too." Kibit balikat na sagot nito. Paano kaya nito nagawang uminum sa tas

