Chapter 8

1283 Words
Lulan si Paul ng kanyang Pulang Porsche, a German quality car na regalo pa sa kanya ng kanyang Dad nung nakaraan niyang birth day at madalang lang niyang gamitin. Pinark niya ito sa garage ng building na tinituluyan ni Annie. Isa itong condo unit. She decided to buy her own nang pumanaw na ang matandang dalagang nag-ampon at nagpaaral sa kanya. Unit #304, of course he knew. Hindi lang ito ang unang beses na pinuntahan niya ito. It’s been four years, maybe his father is too old to do investigations about this and he didn’t find out. Palihim, tago at walang pwedeng makaalam. Ilang beses ding sumuko si Annie on their relationship. Pero ilang beses ding nagmakaawa si Paul na maghintay ito ng tamang oras. “It’s about to happen, malapit ng matupad ang pangarap nating dalawa.” Sinubukang suyuin ni Paul si Annie na kanina pa walang imik. Of course, her boyfriend is about to marry in two days. “We both agreed Annie, I love you. You know that. After six months, hon matatapos na ang ilang taon nating pagtatago. I am doing this for us.” Niyakap niya ito sa likod.  Umiwas si annie sa kanya. “It’s for your mom Paul. It’s not for us.” “Annie anung sinasabi mo?” “Hanggang kailan mo itatago sa papa mo na mayroong ‘tayo’ Paul. Na balak mong kunin at bawiin lahat ng kayamanang naiwan ng mama mo? Ilang pamilya paba ang dapat masaktan para lang makamit mo ang sinasabi mong karapatan.” “Annie I thought you understand?” Kinalma nito ang sarili at alam ng babae ng sa kanya lang niya ito kayang gawin. “Pinipilit kong intindihin Paul. Pero hindi ko magawa. Hindi na ikaw yung Paul na kilala ko.” Pumatak ang mga luha ng dalaga. And that's what Paul can't bear sometimes. Dahil hindi siya kagaya niya na malakas ang loob. He wish she was like other girls na palaban at kayang tumayo ng tindig sa kanyang tabi. How can he stand for their relationship if she doesn't learn. “Annie you know everything! Magbabayad ang kailangang magbayad. Oo nagkasala ang Dad ko at ang Mommy ni Andrea. At ako ang naging bunga ng pagkakasalang yun. But I never had any chance to see her. She died without knowing that I am his son!” [way back 1980's] Kabilang Sina Alfonzo Montemayor, Cynthia Guerero, Laila Diaz , Juaquin Trinidad at iba pang Business students sa kanilang department ang naatasang gumawa ng thesis abroad. Sampo sila sa isang grupo at lahat sila ay matatalino lalo na silang magkakaibigan. Alfonzo and Cynthia (Andrea’s Parents) were already married bago pa sila tumuntong sa ikaapat na year level sa kolehiyo. They were caught by Cynthia’s father, a business tycoon when they slept together on Cynthia’s room. Mahirap lamang si Alfonzo, pero sa kadahilanang ayaw itong mapahiya ng ama ni Cynthia, He became one of the students of a high prestige university na pinapasukan din ni Cynthia. Dito sila nagkakila-kilalang magkakaibigan. “Dad wants you back, he needs someone to take over our company.” Panimula ni Cynthia habang kumakain sila sa isang mamahaling restaurant sa US.  “Nag-aaral palang tayo. Pero nakikita ko na kung paano niya tayo hahawakan sa leeg soon as we graduate.”  “Alfonzo don’t talk like that. Ama ko ang pinag-uusapan natin dito. You can just say No if you don’t like.” "As if naman may karapatan akong humindi.” “You should be proud he trust you.” “No Cynthia! Sa una palang wala na siyang tiwala saakin. He made us marry kahit hindi siya sure kung ano ba talaga ang nangyari. We were just drunk and nothing happened between us. Pero pinilit niya tayong ipakasal at pinilit niya akong mapabilang sa mundo mo and the worst? Pinilit niya akong kalimutan yung ako! Yung pamilya ko na hanggang ngayon tinatago ko!” Tumataas na ang boses ni Alfonzo. He have a family in the province, pero kinaylangan niyang itago ang mga ito dahil narin sa kasunduan nila ng Ama ng asawa. And it was for the better dahil ayaw narin niyang pati pamilya niya ay masangkot sa magulong buhay ng mga mayayaman niyang in-laws. “Hanggang ngayon ba nagsisisi ka parin na kinasal tayo? Oo kasalanan ko kasi niyaya kitang maglasing. Pero hindi kita pinilit matulog sa kwarto ko! Sorry kung nagkaroon ka ng marangyang buhay dahil saakin! Sorry kung napilitan kang mag-asawa ng di oras!” “Cynthia that’s not what I mean-“ Pero tumakbo na ito palabas ng restaurant. Cynthia got drunk, Alfonzo has been calling her pero hindi niya sinasagot ang kanyang phone. Nagpakawala ito sa pag-inom ng alak. Ngayon lang niya na-realized na isang napakalaking pagkakamali ang kasal. Tulog na si Cynthia sa table niya ng lapitan siya ng isang bar tender. “She’s asleep.” Wika nito. Tumunog ang cell phone ni Cynthia. “Hello?” Sinagot ito ng bar tender. "Cynthia?” Si Juaquin, ang childhood best friend  ni Cynthia at kabarkada ni Alfonzo. “Hi, do you know the owner of this cell phone? Better get her out of my bar or I’ll call the cop” Pahayag ng lalakeng amerikano na may-ari pala ng disco bar. Dali-daling pinuntahan nito si Cynthia. Lasing na lasing ito at halos dina makalakad. “Cynthia, anu nanamang nangyari sa inyo ni Alfonzo? Come, I’ll take you home to him” “No, no.no, no… I don’t want to see him.. please!!” Ayaw nitong magpabuhat. “Ok then where are you going to stay at this late hours?” “Don’t take me home please….” Ito lang ang kanyang nasabi saka siya biglang binuhat ni Juaquin. Juaquin got his own condo. Dinala niya ito roon pansamantala. He wants to call his friend pero naisip niyang bukas na at baka galit pa ito at mainit ang ulo. Sanay naman na si Alfonzo na naglalasing si Cynthia kapag galit at may problema. Pinahiga niya ito sa kama at pinagmasdan siyang mabuti. Napakatalino mo, pero tanga ka sa pag-ibig! Bulong ng kanyang isip. Lumabas ito ng kwarto para kumuha ng towel at tubig panlinis sa mga braso at paa ni Cynthia. Napanga-nga ito pagkapasok ng makitang hinuhubad ni Cynthia ang kanyang toper habang nakapikit. Naiinitan ito dahil sa epekto ng alak. Isusunod na sana nitong tanggalin ang kanyang tube na panloob nang dali-dali siyang tumakbo sa tabi nito para pigilan ang kanyang kamay. "What are you doing you crazy b***h!" But there is this sense of heat running down inside him. No, mali. Hayyy… ewan ko ba sa'yo Cynthia. You’re driving me crazy! Suddenly, he found himself touching her face. Maganda ka parin gaya ng dati. Sayang kasi hindi ako ang kasama mo when your father saw you with him. Pinigilan niya ang kanyang sarili. Ngunit hindi niya natiis dampian ng halik ang mga labi nito. Isang dampi lamang, ngunit nabigla siya ng biglang tugunin ng babae ang kanyang damping halik lamang. Pinilit niyang lumayo, pero hindi niya kaya. Not tonight…. Kinaumagahan, Headache! “Arrrayyyy!!!” Sigaw ni Cynthia na nakahawak pa siya sa kanyang ulo habang nakapikit.  Bagay na nakapagpabangon sa kanyang katabi. Si Juaquin? “Juaquin??!!”  Tatayo na asana ito sa sobrang takot at gulat ng mapansing walang suot ang lalake. Lalo siyang kinilabutan ng makitang wala din siyang suot. “Oh my God! What have I done?” Tanong ni juaquin sa sarili…. “Juaquin anung ginagawa ko dito? Anung nangyari?” Naiiyak nitong tanong..  “I-I’m sorry.. sorry…” Hindi sila makapagdecide ng tama. They didn’t talk about it and decided not to discuss anything. Keep it a secret! Isang masamang panaginip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD