ERRIES POV Hawak-kamay kami ni Erica na pumasok sa loob ng bahay, at talagang tuwang-tuwa siya dahil muli kaming nagkita. Sa lumipas na mga taon, ay marami siyang binago dito sa loob. Mas naging maaliwalas ang pagpasok namin dahil bumungad ang garden na may iba't ibang kulay ng Rosas at ilang mga bulaklak, na dati ang simpleng path walk lang. Nang makapasok kami sa mansion ay sabay kaming umupo sa isang couch. "My god, Erries, bakit hindi ka nagsabi na darating ka..para naman nakapaghanda ako," nakangiting sabi nito sa kanya. Bahagya akong natawa sa kanya. "I just want to surprise you, and it's looks like you really did," nakangiting sabi ko sa kanya. "Oo naman no, grabe ang laki na ng pinagbago mo...mas Lalo kang gumanda!" papuri niya pa at bahagyang sinuyod ang kabuuan ko. "Ano k

