ERRIES POV Ilang araw ang lumipas, noong huli naming pagkikita ni Lance. Talagang iniwasan ko siya para naman makapag isip ako ng mabuti. Bago ako magpasya na umalis ay nakipagkita muna ako sa isang kaibigan. Isa iyong pagkikita na talagang, kami lang dalawa ang dapat na makaalam. Nandito ako sa isang private resorts, malayo sa Lugar kung saan kami maaring makita ng mga taong ayaw ko rin namang makita. Minsan na akong nakapunta sa resort na ito, kaya alam ko kung gaano ito kaganda. Habang nakatanaw ako sa paglubog ng araw, isang pares ng paa ang huminto sa gilid, kung saan ako nakaupo. Napatingala ako at bahagyang napangisi. Dumating na ang taong kanina ko pa hinihintay na dumating. "What now, Erries?" seryosong tanong niya sa akin. "Pwedi bang umupo ka muna?" sabi ko sa kanya. It's

