ERRIES POV Naramdaman ko ang tingin ni Lance matapos ko iyong sabihin. Nanatili naman ang tingin ko Cassy na nagugulat namang napalingon sa akin, matapos niyang komprontahin si Lance. "What? Don't tell you will deny it?" "Don't you dare to do something again like this, Erries," banta niya habang naglilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Nanatili naman akong nakangisi sa kanya, at napasulyap kay Raymond na natitigilan habang nakatingin sa akin. Muli kong ibinalik ang aking tingin kay Cassy. "Bakit? Siraan naman ito ng tiwala, kaya bakit ka nagkakaganyan? Inaasahan mo bang hindi ako magsasalita, matapos niyong pagka isahan ang kaibigan natin? Masyado ka namang makasarili, biruin mo, dalawang lalaki ang saiyo.. samantalang isa lang naman ang sa akin, tapos ganyan ka pa kung umasta

