Nang makaratingin ako sa club na sinasabi ni Cassy ay bumungad ang I gay Mula sa tugtugin ng club. Malapit lang ito sa dalampasigan at maraming tao ang naroon, sa labas man o sa loob. Pumasok ako dahil sabi niya ay nasa second floor siya ng Club. Pagpasok ko ay agad akong naglakad patungo sa second floor at hinanap ko siya. "Erries!!" Napalingon ako sa may dulo ng second floor at doon nakita ko siyang nakaupo. Napataas-kilay pa ako ng makita dalawang bucket ng beer. Lumapit ako patungo sa kanya. "Are you going to get drunk tonight?" nakangising sabi ko sa kanya. "Hmmm, maybe?" tugon niya. Inabutan niya ako ng beer na kinuha ko rin kaagad. Uminom ako at tumingin sa kanya. "May problema ka ba? Bakit ako lang ang tinawagan mo? Sina Charmien at Chandrie, why don't you called them?" tanon

