LANCE POV'S Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon, habang nakatingin sa babaeng biglang umupo sa upuan kung saan nakaupo si Cassy kanina. Bigla niyang winagayway ang kanyang kamay sa harapan ko, na naging dahilan upang matauhan ako. "Masyado bang nakakagulat ang presensya ko?" "E-Erries, what are you doing here?" hindi parin makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Tss, nakita ko Cassy na lumabas dito at inaasahan ko na baka ikaw ang kasama niya. Kaya nang makita kita ay pumasok ako. So, how are you?" nakangiti pa niyang sabi sa akin. Napalingon ako sa labas, dahil baka biglang dumating si Cassy at makita kung paano siya ngumiti sa akin. "Look, I'm having a date with my Fiancee, don't ruin it," seryoso kong sabi sa kanya. Ngunit, imbes na matinag siya sa sinabi ko ay mas

