THIRD PERSON'S POV Dahan-dahang napamulat si Lance, nang maramdaman ang init na tumatama sa kanyang mukha. Hinanap ng kamay niya ang katabi niyang si Erries, ngunit, hindi niya ito maramdaman sa kanyang tabi. Kaya naman, umupo siya sa kama at muling hinanap ito sa paligid. Hindi niya parin ito makita sa kwarto, kaya naman tumayo na siya at lumabas ng kwarto. "Erries?" tawag niya dito, ngunit, walang tugon mula dito. Hinanap niya ito sa buong silid, subalit hindi niya pa rin ito makita. Muli siyang bumalik sa kwarto, at Nakita niyang wala na sa loob ng kwarto ang gamit nito, maging iyong maleta na dinala nito na nakita niya sa kwarto. Nakaramdam siya ng kaba at mabilis na nagbihis ng damit. Kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan. "Hello, Lance?" "Lucas, I think, she left. I
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


