Special Chapter 1

2436 Words
Avery     We have arrived in the Philippines a few minutes ago and now we’re already on our way out of the historic airport. Nilingon ko si Yvo habang naglalakad palabas ng NAIA. May kung ano siyang tinitipa sa kanyang cellphone bago umangat ang tingin niya sa akin. I smiled weakly. This is probably the last time I would see him. After last night, he never brought up meeting again when we get back to the Philippines. Did I turn him off when I said I don’t want him to be a rebound? But then…he didn’t seem disappointed about it. Or so I thought? Tumigil kami sa tapat ng exit gate at hinarap ang isa’t isa. Ngumiti siya sa akin at marahan akong hinila para sa isang mahigpit at mainit na yakap. Halos huminto ang buong mundo ko dahil doon. His manly scent attacked my nose and I made it sure that I will not forget how he smells. “You should be happy now, Avery…” he whispered. I bit my lip and nodded against his chest. I wrapped my arms around his waist and hugged him as tight as he does to me. Hindi ko alam pero ngayon pa lang ay alam ko nang masyado akong mangungulila sa kanya. I can’t believe how a person could have a great impact on me in a span of only four days. Maybe it’s because of my vulnerability? Maybe because we share the same tragic fate in love? I don’t know. But I will probably treasure Yvo as one of the people who helped me through one of the darkest moments of my life. I lifted my head and looked at him. “I wish you all the happiness, Yvo,” I told him softly. He smiled and nodded. “We’ll both be happy,” he said as his eyes bore deep into mine. Para akong maliligaw sa titig niya. I smiled. “We will.” Because I know that we will. Yvo and I had very rough love lives. Siya ay dahil hindi siya mahal ng taong gusto niya samantalang ako naman ay pinagtaksilan ng taong minamahal. Both of our relationships failed but I know that everything does not end there. There’s a whole new world out there that we have to conquer, that we have to explore. Sa tingin ko naman, pagkatapos ng lahat ng mga pinagdaanan namin, dapat lang kaming maging masaya. Matapos ang ilang minuto ay napagpasyahan na naming maghiwalay. Nakita kong sa isang itim na mamahaling SUV sumakay si Yvo habang palapit na sa akin si Kuya at Brenna. Matalim ang titig sa akin ni Kuya—kabaliktaran sa saya ni Brenna para sa akin. Niyakap pa niya ako nang mahigpit at hinalikan sa pisngi. “I missed you!” gigil na gigil niyang turan. I rolled my eyes at him and shook my head. Kuya was just looking at me like I am under investigation. Well, I think I am going to be under investigation for being gone for four days. Kung hindi pa niya ako nakontak noong unang araw ko sa Bali ay baka naglunsad na sila ng search and rescue operation para sa akin. “Naku! Excited na ako sa mga mangyayari sa susunod na mga araw,” Brenna chirped and I just gave her a death glare. She chuckled and shrugged. Usual Brenna—walang pakialam basta masaya siya. Nilingon kong muli si Kuya na kinukuha na ang backpack ko sa akin. “Sorry, Kuya,” sabi ko sabay yakap sa braso niya. Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin at pansin ko rin ang pag-igting ng panga niya. “We’ll talk at home,” aniya. Nanlaki ang mga mata ko. “Home? I want to go home to my place!” Marahas niya akong binalingan. “You have been gone without notice and you’re telling me you want to stay at your place?” galit niyang tanong. “No! We’ll talk at home and you need to face Mom and Dad who are both worried sick about their prodigal daughter!” Pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon ay mabilis siyang dumiretso sa sasakyan niya at inilagay ang bag ko sa compartment. Nilingon ko si Brenna na nakangisi lamang sa akin. “I’m so excited! You are so doomed!” aniya bago tumakbo at sumakay na rin sa sasakyan. Mabilis akong sumunod at sumakay sa backseat. Nag-uusap sina Brenna at Kuya tungkol sa isang party na mangyayari ngayong Linggo pero hindi ko na iyon pinansin pa. Pagkaupo ko sa loob ng kotse ay doon na umatake ang antok at pagod. God! I could not stay sleepy when my parents scold me. They would scold me more! Sa daan pa lang ay iniisip ko na ang puwede kong sabihin para mabawasan ang galit at inis ng mga magulang ko sa akin. Bumili ako ng sandamakmak na mga pasalubong para sa kanila pero sa nakita kong galit ni Kuya, malamang ay walang kuwenta ang lahat ng iyon. Halos isang oras ang biniyahe namin dahil sa sobrang traffic. It was to my advantage though. I get to prepare different speeches inside my head depending on my parents’ mood. Pumarada si Kuya sa garahe at halos masamid ako nang makita ko si Anton na naghihintay sa may garden. Agad kumunot ang noo ko at binalingan si Brenna na nakangisi ngayon sa akin. “Exciting, right?” she giggled before enthusiastically hopping out of the car. “Nandito na ang runaway princess!” she announced making Anton look our way. I rolled my eyes and sighed hard. Ano ba ang mahirap intindihin sa sinabi kong ayaw ko nang makipag-usap? Kailangan ba nirecord ko ang boses ko habang sinasabi ko iyon para maintindihan niya? Nagsimula na siyang maglakad patungo sa direksiyon ko at wala akong magawa kung hindi ang umismid. Lumabas ako sa mas malayong pintuan dahil ayaw ko siyang salubungin. Pero wala pa rin akong nagawa. “Avery…” mahinang tawag sa akin ni Anton. Nilingon ko siya saglit bago naglakad na papasok sa loob ng bahay. Alam kong sinusundan niya ako dahil dinig ko ang ingay ng yapak niya. Nasaan na ba si Brenna at parang biglang nawala na lang siya? “Avery, please…” may pagsusumamo sa boses ni Anton pero binalewala ko iyon at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatigil lamang ako nang may nakasalubong na kasambahay. Binati niya ako at doon na ako naabutan ni Anton. Hinapit niya ang braso ko at iniharap sa kanya. “Can we talk?” iritadong tanong niya sa akin. “No,” mabilis kong sagot at kinalas ang braso ko sa kamay niya. “Sinabi ko na sa’yo, ‘di ba?” Hindi ko na mapigilan ang pamumuo ng galit sa sistema ko. Four days ago, I went really low because I was in pain. I don’t want to be like that again. If there was one thing that I realized in my short trip, it is that the light will always swallow the darkness. And that I deserved better. “But I want to clear it all!” giit niya. Pagod ko siyang tiningnan. “I’m tired, Anton.” Suminghap siya at ihinilamos sa mukha ang kanyang mga kamay. “Avery, please…” Iritado ko siyang tiningnan. Bakit ba ang kulit nito? Siya ang may iba nang mahal kaya bakit siya ang habol nang habol para magpaliwanag? Hindi ko maintindihan! “Anton, I get it. We’re done, all right? Tapos na tayo. Hindi mo na ako mahal! Ayos na ako. Tanggap ko na iyon!” pagalit kong sinabi dahil inuubos niya ang pasensya ko. He should be happy that I am not pondering on it. He should be happy that I am letting him go without a need to talk. Because I know that nothing will change whether we talk or not! Nasaktan na ako. Nasaktan ko na siya. Nasaktan ko na rin ang babaeng gusto niya! We’re all even! Why couldn’t he think like me?! “Umalis ka na, please? Pagod na ako sa biyahe. Pagod na ako sa sakit. Pagod na ako sa iyo,” paos kong ani sa kanya. Tumalikod na ako at dumiretso na sa kuwarto. Pagod na pagod na ako at hindi ko alam kung kakayanin ko pang makipagsagutan kay Anton. Agad akong naligo para makapagpahinga. Kung hindi lang dahil sa kumatok sa kuwarto ko ay mahimbing na sana ang tulog ko. “Avery Champagne!” rinig ko ang sigaw ni Mommy habang pinipihit na ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko at agad na bumangon. Nang bumukas ang pintuan ay tumambad agad sa akin ang galit na mukha ng aking ina. Her hair is in a neat low-side bun while wearing her cream terno office attire. Her eyes are on fire as she dashed towards me. “Saan ka ba nagpupunta at hindi mo man lang maipagpaalam nang maayos ang pag-alis mo ng bansa?” I shut my eyes and only absorbed everything that she is saying. Hindi ko na alam kung saan na nagpunta ang mga speech na nagawa ko sa loob ng kotse. Ngayon ay para na lang akong isang batang guilty sa isang kasalanan. “Avery!” pagalit na pagtawag sa akin ni Mommy. Huminga ako nang malalim bago sinimulang sabihin sa kanya ang buong kuwento sa biglaan kong pag-alis. Halos naiiyak na rin ako dahil naalala ko na naman ang pagtataksil ni Anton sa akin. Some books said moving on should be done within seventy-two hours. But is that the only time required to forget about a five-year relationship? Mommy was already crying with me when I finished talking. She pulled me into a tight hug and kissed my cheek. “Anak, I know it hurts now…but it gets better.” She assured me. I looked at her and smiled. “I know, Mom. It will really get better,” because I believe that it will. Weeks after that, I made sure that I would never cross paths with Anton or Marcela. It was better that way. I am already feeling better but I could not promise that I will be calm if I saw them together. Hindi ko alam. Ang gulo ko rin. May mga pagkakataon pa ring umiiyak ako sa gabi habang naiisip ang naguhong relasyon pero alam kong medyo gumagaan na ang loob ko. Hindi ko na siya masyadong naiisip kapag nasa labas ako. I don’t associate him in everything I do anymore. In short, I was getting better and I am loving it. It’s true when they say that time is all we need to move on. But then as I was getting better, I felt like there was something missing. And as the days passed, I realized what exactly it was. Kaya naman noong nakita ko si Yvo sa bar ay halos malagutan ako ng hininga. Nang mahalikan ko na siya, hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng iba’t ibang klaseng pakiramdam sa sistema ko. The moment he touched, I felt like I found the missing piece in my life for the past six months. And damn, it felt so right. Yvo caressed my face and stared deeply into my eyes. My heartbeats are blasting inside me. “Should we go back?” he asked me. I bit my lower lip and nodded. We should go back. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakalipas pero sa tagal naming nagtititigan, alam kong pinaghahanap na kami sa table namin. Nagsimula na kaming maglakad pabalik nang maramdaman kong hinawakan ni Yvo ang kamay ko. Huminto ako sa paglalakad at napalingon sa kanya. “What?” iritable niyang tanong pero pinagsisiklop niya ang mga daliri namin. Luminga-linga ako. “What are you doing?” tanong ko sabay turo sa mga kamay namin. Tumaas ang kilay niya. “What? You said you’ll be with me!” Umikot ang mata ko sinabi niya. “Alam ko! Pero ayaw kong mas lalong masaktan si Yuan!” giit ko. Dumilim ang tingin niya sa akin. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya. “Why? Hindi mo naman mahal iyon,” bulong niya sa sarili niya. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. I know I don’t love Yuan but he’s a friend to me. He’s sweet and he didn’t do anything wrong to get hurt. Iyon lang naman ang gusto kong mangyari. But looking at how pissed off Yvo is right now, parang ako pa ang mali ang intensiyon. “It doesn’t matter who I love, Yvo. Yuan is a friend to me,” I told him as calm as I could. Matalim na titig lang ang iginawad niya sa akin bago naglayo ng tingin. Tumikhim ako at tila may humawak na sa puso ko. Right. I forgot what Yvo had to go through. He fell in love with someone who doesn’t love him back for the longest period of time. I guess it’s why he is this possessive when it comes to attention. I walked closer to him and held his arm. “I’m sorry. Kakausapin ko lang naman, e,” paliwanag ko. Rinig ko ang pagtikhim niya at kita ko ang pagkunot ng noo niya. He didn’t speak for a few seconds and I waited for him to say a word. He looked at me and calmness slowly dawned on his face. He shut his eyes and sighed heavily. “I’m sorry,” he whispered as he kissed my temple. “It’s just that…I waited too long to have you that I can’t bear to see you with someone else.” His words seemed to have paralyzed something in me because I suddenly couldn’t move. Bakit ba laging ganito na lang ang epekto niya sa akin? “I’ll just talk to him…” I said just like a promise. Tumango siya at wala nang nagawa kung hindi ang higitin ako papunta sa aming booth. Wala na roon sina Brenna at ang mga kaibigan pero nakita kong nakaupo na roon at naghihintay si Yuan. Nilingon ko si Yvo na nakatitig lamang pala sa akin. “Are you sure you can do it?” tanong niya. Tumango ako. I need to do this because this is the only way to make it all right. At para na rin sa pagkakaibigan namin ni Yuan. “I’ll stay here and watch you,” bilin niya. Huminga ako nang malalim bago lumapit. Yuan looked at me and smiled. “Hey, I’ve been waiting for you,” aniya at umusog nang kaunti para makaupo ako sa tabi niya. Sa lamesa ay kita ko ang shots na kinuha niya. Kumuha ako ng isa at saka nilagok nang bigla. Rinig ko ang pagtawa ni Yuan sa ginawa ko. “Avery, calm down…” aniyang natatawa. He wrapped his arm around my shoulders and leaned closer to me. Para akong nanlamig sa ginawa niya. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ako komportable o dahil sa mga matang alam kong nakatuitig sa amin. “Yuan…” Pilit ko siyang tinutulak palayo pero hindi niya ginagawa. Lumunok ako. “Yuan.” Mas madiin ang pagkakasabi ko at mas malakas na rin ang pagtulak. “Can you give me some space?!” I asked, already pissed off. Kumunot ang noo niya at matalim na tumitig sa akin. “What’s wrong?” Tumikhim ako at humugot ng malalim na hininga. “I’m sorry.” Kita ko ang pag-igting ng panga niya. “Let’s stop this.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD