AGAD NA YUMAKAP SI ALFIE sa kanyang ina. Parang bata na umiyak ito sa balikat ng kanyang mapag mahal na ina. Pati si Bridgette ay naki yakap na rin sa kanila, habang umiiyak. Awang-awa ito sa kanyang kuya Alfie. Mas lalong napuno ng galit ang puso ni Bridgette, para sa mag-amang Art at John. Dahil sa mga ito ay nag hihirap ngayon ang kalooban ng kanyang napaka bait na kuya. Kuyom naman ang kamao nina Primo at Santie, habang pina panood ang kanilang kapatid na halos hindi na maka pag salita. Dahil sa sobrang pag-aalala at pag hihirap ng kalooban nito, dahil sa sinapit ng kanyang asawa at magiging anak. Ang ama naman nila ay pabagsak na umupo sa upuan, habang nag iigting ang panga nito sa labis na awa sa kalagayan ni Alfie. Napaka tagal na panahon din nitong hindi naka sama ang kanyang

