Nagkalat ang maraming kuwento sa aming paaralan tungkol sa mga kababalaghan at katatakutan, karaniwan mo na itong maririnig sa mga nagkukumpulang estudyante na ang libangan ay takutin ang isa’t isa. Sa sobrang daming kuwento ay hindi mo na matukoy kung alin doon ang totoo at alin doon ang hindi, basta’t ang mga kuwentong iyon ay nagpasalinsalin, at nadadagdagan sa tuwing napapasa sa iba. Madalas ay nakikipagkwentuhan din ako sa aking mga kaklase tungkol sa katatakutan, lahat ng mga karanasan tungkol sa mga ‘di maipaliwanag na bagay ay naikuwento na nila maliban sa akin na parang immune yata sa mga kababalaghan na nababalot sa aming paaralan. Kaya nga madalas ay gabi na ako umuuwi dahil kadalasan raw ay ganoong oras nagpaparamdam ang ilang espirutu na naninirahan sa buong campus. Ngunit s

