Napalunok ako ng laway nang umupo sa tabi ko si Seb kahit hindi pa man ito pinauupo ng kaniyang kaibigan.
"Kupal talaga!" naiiling kong anas sa isipan.
"I thought, nagpapahinga ka ngayon sa bahay niyo?" nakataas kilay niyang saad sa 'kin.
"Nagpahinga naman talaga siya Dude. Nakapamasyal na nga kaming dalawa," nakangiting komento naman ni Kobie kay Seb.
Tumalim ang mga mata ni Seb saka tumingin ito sa akin bago muling tiningnan ang kaniyang kaibigan.
Pakiramdam ko'y napakalamig naman ng paligid pero parang maalinsangan gawa nang pagpapalitan nila ng matatalim na mga tingin.
"Hindi ka ba sinabihan ng boss mo na magpahinga?" malamig na turan pa rin sa 'kin ni Seb.
"A-anong ibig mong sabihin?" utal kong tanong sa kaniya at halos 'di ko masalubong ang matalim na tingin nito.
"Ba't hindi mo sinabi agad sa 'kin na hindi ka pala marunong magpahinga. Eh 'di sana pinagbigyan na lang kitang makasama ako," nakakainsultong wika pa niya.
"Seb!" galit na bulalas ni Kobie. "Huwag mo naman sanang bastusin si Nena sa aking harapan."
"Bastos?" Matalim na tumingin pa muna ulit sa 'kin si Seb saka muling nagsalita. "Dude, ang bastos ay iyong mga taong bigla na lang nanghuhubad ng babae."
Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka malakas na ipinalagapak ang palad ko sa pisngi ni Seb.
"Wala kang karapatang insultuhin ako dahil alam mo kung ano ang totoo," nanginginig sa galit kong anas sa kaniya.
Kinuha ko ang bag sa may upuan at saka mabilis na tumakbo patungo sa may pinto ng restaurant.
"Nena!" sabay na sigaw nina Kobie at Seb na 'di ko na pinagkaabalahan pang lingunin.
Mabilis akong tumakbo palabas ng restaurant at agad na nagtago sa may madilim na eskinita kung saan 'di nila agad ako makikita.
Nakita ko ang pagsasagutan nilang dalawa at hindi ako natutuwa sa mga nasasaksihan. Lumabas ako mula sa pinagkukublihan upang awatin sila sa tila napipintong pagsusuntukan nila.
"Magsitigil kayo!" sigaw ko sa dalawang lalaki upang mahinto sila sa kanilang pagsasagutan.
"Nena..." Lumapit sa akin si Kobie saka masuyong hinawakan nito ang aking kamay.
"Halika na at iuuwi na kita!" ani ni Seb na kinapitan naman ang kabila kong kamay saka hinila ako.
"Seb, nasasaktan na si Nena," suway ni Kobie sa kaniyang kaibigan.
"Mas masasaktan siya sa akin kung hindi pa siya uuwi," inis na tugon naman ni Seb.
Nagpalitan ng matatalim na tinginan ang dalawang lalaki habang hila-hila naman nila pareho ang magkabilaang kamay ko.
"Nakakainis kayo!" impit kong hiyaw sa kanilang dalawa.
Naiinis na tinabig ko sila pareho sa kanilang mga kamay saka malalaki ang mga hakbang na umalis at iniwan ko ang mga 'to.
"Nena!" tawag sa 'kin ni Kobie.
"Walang susunod sa inyo!" matigas kong turan sa dalawang lalaki.
Nanggigigil na naglakad ako palayo sa kanila at inis na inis ako dahil para silang mga tanga. Gusto ko silang batukan pareho pero hindi ko naman iyon magawa-gawa dahil sa matatangkad silang mga tao.
"Nakakainis kayo!" impit kong hiyaw.
Daig ko pa tuloy ang luka-luka sa kalsada na bumubulong-bulong ng kung anu-anong mga salita patungkol sa dalawang lalaki na 'yon.
Dala ng sobrang inis, hindi ko napansin ang sasakyang kanina pa pala buntot nang buntot sa akin.
Malakas akong napatili ng bigla na lamang akong umangat mula sa lupa. Kinarga ako na parang sako lamang ng bigas ng sinumang tao na 'to.
"Ibaba mo ako!" natitilihang hiyaw ko.
"No!" matigas naman nitong tugon sa akin.
"Seb?" gulat kong sambit nang ibaba ako nito sa may shotgun seat ng kaniyang sasakyan.
Napaigtad ako sa pagkakaupo ng malakas na ibinagsak nito ang pinto sa aking tabi kung kaya para akong nabingi.
Nang makasakay na ito sa may driver seat at naisara niya na ang pintuan sa kaniyang tabi ay agad akong kinabig nito sa ulo saka sinibasib ng halik sa aking labi.
Para akong nauupos na kandila na dahan-dahang natutunaw mula sa pagwawala sa kaniya. Nagningas ang init mula sa loob ng aking katawan at ang inis na aking naramdaman ay napalitan ng kakaibang kiliti.
Kaybilis niya talaga akong magapi dahil sa taglay kong karupukan pagdating sa ganitong sensasyon.
Ngunit kakaibang saya rin ang aking nadama dahil sa paglalapat ng aming mga labi gayon na rin ang paglalakbay ng mga kamay nito sa aking katawan.
Napaungol ako sa loob ng kaniyang bibig nang marahang pumisil ang kamay nito sa aking mga dibdib.
"I miss you..." malambing nitong bulong nang bitiwan ang aking labi.
"Seb..." Bigla akong nakaramdam nang pangangatog ng mga tuhod nang pumaloob ang mainit nitong dila sa loob ng aking tainga.
"Naiinis akong makita kang kasama ng iba. Higit lalo akong naiinis na makitang kasama ka ni Kobie," inis nitong pahayag habang patuloy lang ito sa ginagawang pagpisil sa aking dibdib.
Panay naman ang ungol at arko pataas ng katawan ko dala ng matinding sensasyon na aking nadarama.
Ipinasabunot ko ang mga kamay sa kaniyang buhok saka ipinasubsob ang kaniyang mukha sa pagitan ng mga matatayog kong bundok sa harapan. Pakiwari ko'y may kung anong kulang at tila nabibitin ang pakiramdam ko kung kaya isinubsob ko siya roon.
Hindi naman ako binigo nito dahil salit-salitan niyang sinipsip nang sinipsip ang matatayog kong mga dibdib. Para itong sanggol na sabik na sabik sa pagsipsip sa gatas ng kaniyang ina.
Napuno namin ng ungol ang buong palibot ng sasakyan at ako pa ang kusang naghubad ng suot nitong polo shirt gayon na rin ng suot kong blouse na itinaas lamang nito.
Naramdaman ko ang pagbaba ng upuan at pumorma iyon na tila isang kutson kung kaya napahiga ako roon.
Ipinagpatuloy naman nito ang pagsipsip sa aking dibdib saka ipinagapang niya pababa ang kaniyang labi patungo sa may bandang puson ko.
Ipinataas niya ang dalawang binti ko saka hinubad ang suot kong pantalon pati na rin ang panty kong binantayan ko pang talaga at baka maisipan na naman kasi nitong punitin iyon.
Mabuti na lamang at hindi niya naman naisipang punitin kung kaya nakahinga ako ng maluwang.
Napahalinghing ako ng malakas nang lumapat ang labi nito sa aking ibabang labi at doon ay nakipagdilaan ito sa dilang nakalawit sa gitnang bahagi niyon.
"S-Seebbb..." umuungol kong usal sa kaniyang pangalan saka paulit-ulit na sinabunutan ko ang kaniyang buhok.
Kuntodo sipsip nito sa aking hiyas na animo'y isa lang iyong kuhol na kay hirap sipsipin ng laman. Sinasabayan pa niya iyon ng malakas na pagtunog mula sa kaniyang pagsipsip kung kaya lalo akong nahihibang.
Bumabaluktot na ang mga daliri ko sa paa at tumitirik na rin ang aking mga mata sa sarap na dulot nang pagpapala nito.
Naramdaman ko ang tila pamumuo sa loob ng aking puson hanggang sa tuluyan na iyong sumabog sa loob ng bibig ni Seb na patuloy lang din naman sa pagsipsip at pagsimot ng aking katas.