Hinihingal na bumangon ako mula sa pagkakahiga sa higaan saka hinamig ang aking sarili.
"Mabuti na lang at panaginip lang ang lahat!" bulong ko sa isipan.
Tumingin ako sa orasang nakasabit sa may pader at napakamot sa ulo nang makitang pasado alas dose na. Tuluyan na lang din akong bumaba sa higaan at nagtungo sa loob ng banyo upang ayusin ang sarili.
Hindi na gaanong masakit ang bandang hita ko dahil nakatulong siguro ang ipinainom sa akin na gamot ni Tiya Melba.
Matapos maayos ang sarili pati na rin ang aking hinigaan ay lumabas na ako upang magtungo sa may kusina. Nakaramdam ako ng gutom kung kaya kakain na lang muna ako bago tuluyang umalis ng bahay.
Nagsalubong kami ni Linda sa may hagdan at halos nagmamadali na naman ito sa pag-akyat.
"Ano ang nangyari sa iyo?" tanong ko sa pinsan.
"May naiwan kasi ako sa kwarto. Naku, mali-late na ako. Ba-bye!" humahangos na saad nito saka tinakbo ang papunta sa loob ng kaniyang silid.
Naiiling na pinagmasdan ko na lamang ang papalayong si Linda. Parati naman kasi itong ganoon, laging may naiiwan!
Pagbaba ko ng hagdan ay hinanap ng mga mata ko si Tiya Melba sa paligid. Hindi ko 'to makita kung kaya dumiretso na ako sa loob ng kusina.
Binuksan ko ang kaserola at nakita ko roon ang tinolang manok na mukhang kaunti lang din ang nabawas. Binuksan ko ang kalan upang initin ulit iyon.
Nagsandok ako ng kanin sa loob ng pinggan saka naglagay na rin ng mainit na sabaw sa may mangkok ng mainit na iyon.
Nakakailang subo na ako sa pagkain ng biglang sumulpot sa harapan ng mesa si Tiyo Gener.
"Nena!" nakangising bulalas nito at tila lasing pa ito.
Malisyosong tumingin ito sa aking mukha pababa sa aking katawan. Tila isang asong ul*l ito na biglang naglaway nang dumako ang kaniyang mga mata sa tapat ng malapapaya sa laki kong dibdib.
"Masarap ba?" malisyosong tanong sa 'kin nito.
"Anong ibig mong sabihin?" inis kong tanong sa tiyuhin.
"Naku, Nena! Huwag ka nang magpanggap. Alam kong bumigay ka na rin sa kandungan ng ibang lalaki," nakangising saad nito.
Nanindig ang mga balahibo ko kasabay nang paglaki ng aking mga mata nang ilabas nito mula sa loob ng kaniyang short ang naghuhumindig niyang sandata.
Humakbang ito palapit sa 'kin habang himas-himas ng kaniyang kamay ang naninigas nitong sandata.
"Nena, ito naman ang sipsipin mo," umuungol nitong sambit.
"P*ta!" malakas kong mura bilang tugon sa kaniyang sinabi.
Nandidiri akong pagmasdan ang ari nito at 'di man lang ako natuwang pasadahan ng tingin ang kabuuan niyon. Ni wala ngang anumang kakaibang kiliti akong naramdaman gaya nang nadama ko sa alaga ni Seb.
Malapit na malapit na sa kinauupuan ko si Tiyo Gener nang itutok ko sa kaniya ang tinidor.
"Subukan mo lang lumapit sa akin at tiyak na paglalamayan ka mismo ngayong araw na 'to, h*yop ka!" nanggigigil kong anas sa kaniya.
Biglang umatras ito nang makitang hindi ako nagbibiro. Nag-aapoy ang mga mata ko sa galit dahil sa kahayupang ipinapakita sa akin ng h*yop kong tiyuhin.
"Huwag kang magpakakampante dahil matitikman ko rin iyang katawan mo, Nena!" malakas na humalakhak ito saka humakbang palabas ng kusina.
"Hindi darating ang araw na 'yon!" bulyaw ko naman sa walanghiyang tiyuhin na 'di na yata narinig ang aking sinabi.
Naluluhang tumingin ako sa mga kamay na nanginginig pa rin sa galit dahil sa kahayupang ginawa sa akin ng tiyuhin.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatagalan pakisamahan sa loob ng iisang bahay ang isang h*yop na tulad ni Tiyo Gener, pero kailangan kong makagawa ng paraan upang makaalis sa lugar na ito ng 'di ko masasaktan ang damdamin ni Tiya Melba.
"Magtatrabaho ako at mag-iipon para makapagbukod ng bahay," naluluhang pangako ko sa sarili.
Iniligpit ko ang pinagkanan saka nagmamadaling bumalik sa loob ng aking kwarto. Inayos ko ang mga gamit upang maagang makaalis at maagang makapasok din sa may club kung saan ipinasok ako ni Tiya Melba.
Napansin ko sa ibabaw ng kabinet ang tila envelope na iniabot sa 'kin kanina ng tiyahin. Dinampot ko iyon at nakita kong nakabalot iyon ng makapal na scotch tape.
"Ano kaya ito?" takang tanong ko sa sarili.
Isinilid ko na lamang iyon sa loob ng bag na dala saka naghanda na sa aking pag-alis.
Paglabas ko ng bahay ay nagpara agad ako ng jeep upang mabilis na makarating sa club na pinasukan ko kagabi.
"Sana lang ay kagaya pa rin nina Seb at Kobie ang maging kliyente ko mamaya," piping dalangin ko.
"Ang aga mo yata, Nena?" tanong sa akin ni Cecilia.
"Ah... Eh... Naiinip kasi ako sa bahay," pagdadahilan ko sa babae.
"Kumusta naman ang bonding niyo ng mga customer mo kagabi?" makahulugang tanong nito.
"Ayos naman," tipid ko namang sagot dito.
"Mukhang type ka nga ng mga 'yon. Maswerte ka kung magkataon," ani pa nito.
"Pa'no naman ako naging maswerte sa mga iyon?" tugon ko pa sa kaniya.
"Naku, Nena! Mga anak mayaman ang mga iyon. Tiyak na tiba-tiba ang mga babaeng ibabahay ng mga iyon," nanghahaba pa ang nguso nito sa pagkukwento.
"Mukhang mga playboy naman," turan ko naman sa kaniya.
"Ay, ewan ko sa'yo! Kung ako lang ay bata-bata pa at kasingganda mo lang, tiyak na hindi ko pakakawalan ang isa sa kanila. Kahit pa maging kerida lang ako," saad pa nito saka nagsindi ng sigarilyo na nasa kaniyang kamay.
"Grabe ka naman! Hindi ko kaya pinangarap maging kerida," tugon ko naman sa kaniya.
"Alam mo Nena, ang mahalaga naman kasi sa ngayon ay maraming pera. Isa pa, mga gwapo rin naman sila kaya 'di ka na lugi." Malakas na humalakhak ito saka mahinang tinampal pa ako sa braso.
"Mabiro ka rin pala!" naiiling na saad ko sa kaniya.
"Bakit, mukha ba akong salbahe?" pinanliitan ako nito ng kaniyang mga mata.
Natatawang umiling-iling ako sa kaniya. "Akala ko kasi kagabi hindi ka pwedeng mabiro. Alam mo iyong tipong seryoso lang sa buhay."
"Sira! Anong palagay mo sa 'kin, halimaw?!" natatawang hinampas ako nito sa braso na tinugon ko naman ng malakas na pagtawa.