Matapos ang masinsinang pag-uusap, taos-pusong humingi ng tawad sa akin si Rodel. "Salamat!" bulong sa akin ni Seb. "Huh? Para saan?" tanong ko sa kaniya. "Dahil pinagbigyan mo akong patawarin mo si Rodel," tugon naman niya sa akin. "Hindi ko masasabing napatawad ko na si Rodel pero susubukan kong bigyan siya ng pagkakataon para lang sa iyo at sa mga taong bahagi na rin ng pamilya ninyo." Sumulyap ako kina Rodel at Mariel na masayang nag-uusap sa may dulong bahagi ng veranda. "Pamilya natin!" Pumulupot ang mga kamay nito sa aking baywang saka dinampian niya ako ng halik sa labi. Wala na akong makapang galit sa dibdib para kay Rodel dahil nakita ko naman kung gaano siya kasinsero sa paghingi sa akin ng tawad. Ngunit kagaya nga nang winika ko kay Seb, hindi ko pa masasabing lubos ko n

