Chapter 39

1203 Words
Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw sa pananatili ko rito sa bahay nila Seb dahil nalilibang ako sa mga gawaing bahay na sila-sila rin ang gumagawa lalo na si Mama Cassy. Wala silang katulong na kasama sa bahay maliban sa labanderang may araw lang kung pumunta. Lahat sila rito ay tulong-tulong sa mga gawaing bahay mula sa pagwawalis ng sahig hanggang sa paglilinis ng banyo at ganoon din naman sa loob ng kanilang mga kwarto. Palagi akong isinasama ni Mama Cassy sa kusina upang turuan niyang magluto ng kung anu-anong putahe na kaniyang maisipan. Nagbi-bake rin kami ng mga cookies o cake na siyang merienda namin pagsapit ng hapon. Madalas din akong isama nito sa may hardin kung kaya naman napupuno rin namin ang bawat plorera sa loob ng bahay ng mga bulaklak na aming pinipitas. Napansin kong kahit anong busy ni Mama Cassy sa mga gawain ay may oras pa rin siyang asikasuhin ang kaniyang mga anak kahit pa nga masasabing malalaki na ang mga 'to. Nagagawa pa rin niyang magturo sa bunsong kambal ng mga assignments nila at natuturo pa rin niya sa mga ito ang paggawa ng mga accessories na likha mula sa patapong sachet ng mga shampoo o plastic na basura. Nalaman ko buhat sa kaniya ang pagpapahalaga sa mga bagay na akala ko'y wala ng halaga tulad na lang ng mga basura. Pagbabasura ang kabuhayan ni Papa Baste noon at dahil sa isang simpleng boteng itinapon ni Mama Cassy mula sa bar ay nagkaroon silang dalawa ng magandang love story. Mahilig daw kasing gumimik si Mama Cassy noong 'di pa niya nakikilala si Papa Baste. Sa kaniya nga raw siguro namana ng mga anak niya ang pagkahilig sa bar. "Sana'y maging ganoon din kami ni Seb," piping dalangin ko sa isipan. Pagsapit ng hapon ay muling abala na kami ni Mama Cassy sa kusina. Siya ang nagluluto habang ako naman ang tagahiwa sa mga gulay na sangkap niyon. "Hmm... Mukhang masarap iyan, Ma!" Lumapit si Seb sa kaniyang ina para humalik sa pisngi nito. "Ang aga mo yata?" nakataas kilay na tanong naman sa kaniya ni Mama Cassy. "Walang trapik, Ma!" kakamot-kamot sa ulong tugon ni Seb sa kaniyang ina saka lumapit ito sa akin. Mula sa likurang bahagi ng katawan ko ay niyakap niya ako. "I miss you!" Gusto kong maglululundag sa kilig ngunit naunahan ako ng hiya dahil nasa harapan namin si Mama Cassy. "Doon ka na muna sa sala at tinutulungan ko pa si Mama Cassy rito," pagtataboy ko sa kaniya. "Ako nang gagawa niyan," ani naman nito. "Iba talaga nagagawa ni Nena kay Seb, napapauwi ng maaga at napapaluto pa ang panganay ko." Sabay-sabay kaming napatingin kay Papa Baste na papasok sa may pintuan. "Pa!" suway naman ni Seb sa kaniyang ama. "O siya, magpahinga na muna kayo. Kami na lang ng Mama niyo ang magluluto rito." Kumindat sa amin si Papa Baste na wari'y may ibang ibig sabihin iyon. "Baby, let's go! Baka magbago pa isip nila." Marahang hinila ako ni Seb sa baywang kung saan nananatiling nakakapit ang kaniyang mga kamay. "Hoy, Seb! Magpapahinga kayo hindi magpapahingal ha!" nandidilat ang mga matang anas ni Mama Cassy sa binata. Malawak na ngiti ang itinugon ni Seb sa kaniyang ina saka nagmamadaling hinila na ako nito paalis sa kusina. Magkahawak kamay naming tinumbok ang daan patungo sa kwarto nito. "Baka magalit sa atin si Mama Cassy kapag nalaman niyang dinala mo ako rito." Pigil ko sa kaniya nang inaaya niya na akong pumasok sa loob ng kwarto. "I have a surprise for you!" nakangiting tugon lamang nito. "Ha? Anong surprise?" maang na tanong ko naman sa kaniya. Malakas akong napatili nang hilahin niya dahilan para masalubsob ako sa kaniyang dibdib. "Seb!" Mahinang tinampal ko siya sa dibdib dala ng sobrang inis na aking nadarama. "Kainis ka!" Natatawang niyakap lamang ako nito saka isinara ang pinto ng kaniyang kwarto. "Ano ba kasing sorpresa iyan at kailangan mo pang mag-lock ng pinto?" inis kong tanong sa kaniya. "Baka kasi makita ng mga kapatid ko tapos aasarin lang ako ng mga iyon," nakalabing tugon naman nito. Malamlam ang mga matang tinitigan ko siya sa mga mata saka humugot ako ng malalim na buntonghininga. Inangat ko ang kanang palad patungo sa kaniyang pisngi saka hinaplos ko siya roon nang paulit-ulit. "Ano pa man 'yan ay tatanggapin ko pa rin dahil alam kong pinaghirapan mo iyan," nakangiting sambit ko. Dumampi ang labi nito sa aking labi saka siniil niya ako ng halik na agad ko namang tinugon. Sa ilang araw kong pamamalagi sa kanila ay hindi ko naramdaman ang paghahanap ng init ng aking katawan. Marahil ay dala ng sobrang pagod sa madalas kong pagsama kay Mama Cassy. "I miss you, Baby!" pabulong nitong bigkas nang bitiwan niya ang labi ko. "B-baka hanapin na nila tayo," pautal kong tugon sa kaniya. "Mabilis lang 'to!" Pinisil pa muna niya ang tungki ng ilong ko bago kumalas mula sa pagkakayakap sa akin. May kung anong bagay siyang kinuha mula sa loob ng kaniyang bag na nakapatong sa ibabaw ng couch. Dala ng kuryosidad nilapitan ko si Seb saka tiningnan kung anong kinukuha nito mula sa loob ng kaniyang bag. Inangat nito sa tapat ng aming mga mukha ang isang kulay pulang kahon. Binuksan niya iyon at nanlaki ang mga mata ko sa nakitang laman niyon. "Seb!" manghang wika ko nang alisin nito ang alahas sa loob ng box. Umikot siya sa likurang bahagi ng katawan ko saka ipinasuot nito ang kwintas sa aking leeg. "Sabi mo kanina ay tatanggapin mo ang anumang regalong ihahandog ko sa iyo. Kaya aasahan kong isusuot mo ito parati," saad nito sa akin. "Mukhang mamahalin ang alahas na ito?" ani ko naman sa kaniya. Hindi ako sinagot nito bagkus ay ipinaikot niya lamang ako paharap sa kaniya. "Simula bukas ay magtatrabaho ka na rin sa kumpanya para 'di ka naiinip dito," nakangiting turan niya sa akin. "Hindi ako naiinip dito," sansala ko naman sa sinabi nito. Totoong hindi ako naiinip dito dahil sa dami nang ginagawang activity ni Mama Cassy ay parang kulang pa nga ang oras para sa lahat ng iyon. Nakakatuwa lang talaga si Mama Cassy na nagagawa niyang ayusin ang lahat ng naaayon sa oras na isiniset nito. "Ako ang naiinip para sa iyo," nakalabing tugon naman ni Seb. Natawa ako sa itsura nito dahil para itong batang hindi napagbigyan sa kaniyang kagustuhan. "Seb, wala akong alam sa mga trabahong pang-opisina dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Mula nang ginawa sa akin ni Rodel ang bagay na iyon ay hindi na ako muling pumasok pa sa paaralan," malungkot kong saad sa binata. Dahan-dahang naglandas ang mga luha sa aking pisngi nang maalala ang pangit na nakaraan. Mahigpit akong niyakap ni Seb saka inalo nito. "Sshh... Huwag ka nang umiyak. Nandito lang naman ako at handa kitang turuan sa lahat ng mga kinakailangan mong malaman." "Thank you!" madamdaming bigkas ko sa kaniya. Nakaramdam ako ng kaginhawaan sa sinabi nito. Ipinulupot ko ang mga braso sa kaniyang baywang upang gumanti ng yakap. Kusang ipinatawid ko ang labi sa kaniyang labi upang humalik sa kaniya. Agad naman niya iyong tinugon kung kaya tuluyan na kaming nauwi sa mainit na pagsasanib ng aming mga katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD