KUTOB — CHAPTER 47

2048 Words

CHAPTER 47 DAVID's POV: WALA akong trabaho ngayon. Hindi totoo ang sinabi ko kay Gwyneth na may aasikasuhin akong papeles sa opisina. Gusto ko lang munang mapag-isa dahil hindi ako komportable na pakisamahan ngayon si Gwyneth — gayong malinaw sa mata ko ang nakita ko kanina. Isang senyales ang nunal para malaman ko kung asawa ko ba talaga ang babae. Pero dahil sa nasaksihan ko, nag-iba ang aking kutob. Nagkaroon ako nang pagdududa sa Gwyneth na pumasok ngayon sa buhay namin ni Darryl. Habang nasa kotse ako, hindi ko maiwasan na balikan ang mga paliwanag ng asawa ko. Ang sabi niya ay minaltrato siya nang malupit ng mga armadong lalaki. Pero bakit tila wala siyang galos o bakas ng mga sugat sa katawan? Totoo ba talagang asawa ko ang babaeng nasa bahay ngayon? — O baka naman, isa siyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD