MATAPOS nilang makipagsiyahan saglit sa reception kasama ang mga guest ay umalis na sila ni Cassius sakay ng private helicopter, hinatid sila ng pilot sa isang private island na ni-rent lang ni Cassius sa honeymoon nila. Nagpaiwan ang kanilang anak sa parents ni Siege, dahil mas gusto raw nitong makasama muna ang daddy Siege nito. Kaya naman kahit gusto nilang isama ay iniwan na lang muna nila. Gabi na nang dumating sila sa Isla, at matapos silang ihatid ay agad din umalis ang pilot sakay ng helicopter. “Maligo lang ako, mamaya ka na lang pagkatapos ko,” nahihiya niyang paalam kay Cassius at nagmamadali nang pumasok ng bathroom. Napangiti na lang si Cassius at hinayaan na lang siyang maligo muna. Naghintay na lang ito sa loob ng bedroom kung saan may mga petals pa ang kama na naka-hear

