IV

2210 Words
“Tinat*ngina mo ba ako, Doc?” “Language, princess.” She scoffed. “I can’t believe you.” Warren softly chuckled and met her eyes. “And why is that?” Pagak na tumawa ang dalaga. “Bulag ka ba? Nakikita mo ba itsura ko? Hello, sunog ang buong mukha ko. Kahit na ipa-facial reconstruction mo pa ‘to, pangit pa rin ako. Tatawanan ka lang ng mga tao sa paligid mo, Doc. Kung ako sa’yo, hahanap na ako ng ibang maloloko. Huwag ako.” “And what makes you think I’m joking around, Stacy? Do I look like I’m joking to you?” Pinagmasdan niya ito na kitang-kita ang pagkadiskumpiyado sa kanyang mukha. “Alam mo, Doc? Inuunggoy mo yata ako, e. Tantanan mo nga ako. Matutulog na ako, iwan mo na lang ako dito.” Tinalikuran niya ito at pumikit. She can faintly hear Warren’s soft chuckles as he watches her from behind. Naguguluhan ang kalooban ng dalaga. Seryoso ba ito sa inaalok nito? Kasal? Silang dalawa? E halos wala pang kalahating taon silang nagkakakilala. Isa pa, kakambal nito si Miguel. Hindi ba ito naiilang sa ganoong kaisipan? Hindi kaya, katulad ng kakambal nito, ay pinaglalaruan lang siya ng lalaki? “Sweet dreams, my princess.” Ang tunog ng papasarang pinto ang huling narinig ng dalaga bago siya tuluyang nilamon ng katahimikan. Tila nais niya tuloy na magwala. Anong ibig sabihin niyon? Seryoso ba talaga si Warren Saavedra sa mga pinagsasasabi nito kani-kanina lamang? Kinurot niya pa ang kanyang braso upang matiyak na gising na gising siya. Bahagyang napangiwi ang dalaga nang maramdaman ang kirot na idinulot niyon sa kanyang balat. Dalawa lang ang posibleng paliwanag sa mga nangyari kanina. Una, niloloko lang siya ni Warren at ikalawa, may problema ito sa paningin. Ganoon pa man, ipinagsawalang-bahala na lamang iyon ni Anastasia at bumalik sa kanyang pagtulog. Hindi siya dapat masyadong magpa-apekto sa pangti-trip sa kanya ng doktor. Ngunit kahit na anong gawin niyang pag-ikot sa kanyang higaan ay hindi man lang dinalaw ng antok ang dalaga. Paulit-ulit na naririnig niya sa likod ng kanyang isipan ang mga kataga ni Warren at ang pag-aalok nito sa kanya ng kasal. Kapalit ay ang pagtulong nito na maipaayos ang kanyang mukha at makapaghiganti sa mga taong nang-api sa kanya. A tempting offer, to be honest. Ayaw niya na kasing humingi ng tulong mula sa kanyang ama na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kinakausap. Isa pa, panigurado na hindi ito nagsisinungaling noong sinabi nito na kaya siya nitong ilakad sa pinakamagaling na surgeon dahil isa itong medical director ng isang global medical center. Hindi lamang sa bansa panigurado ang mga kilala nitong espesiyalista kung hindi pati na rin ang mga galing sa ibang mga bansa. She grunted and closed her eyes. Wala siyang tiwala sa lalaki. Ayaw niya namang maging mapanghusga ngunit mayroon sa mukha ni Warren Saavedra na kakaiba para sa kanya. Iba ang dating nito at panigurado na marami na rin itong napaiyak na mga babae. Baka katulad ng kakambal nitong si Miguel ay balak lang din siya nitong paikutin sa mga palad nito pagkatapos ay iiwanang luhaan. Hindi nagtagal ay unti-unti na siyang iginupo ng antok. Hinayaan ni Stacy na mahimbing ang kanyang katawan, sa pagbabakasakali na baka maiwaglit niyon sa kanyang isipan ang mga nangyari kani-kanina lamang. Nang muli niyang imulat ang kanyang mga mata ay maliwanag na sa loob ng silid. Nag-iinat na bumangon ang dalaga at bahagyang naghihikab pa. Umaga na at hindi niya na namalayan na napahaba ang kanyang pagtulog. “Good morning, princess!” Napapitlag siya sa tinig na nagmula sa may gilid ng kanyang kama. Napapalatak siya at mahinang napamura nang makita ang pigura ni Warren na prenteng nakaupo sa gilid ng kanyang higaan na tila hinihintay talaga ang paggising niya. Sa tabi nito ay may malaking bouquet pa ng rosas at plastik na sa tingin niya ay naglalaman ng pagkain. Dumikwatro pa ito bago sinalubong ang kanyang mga mata. “Ano na namang kailangan mo, ke-aga-aga?” inis na tanong niya. He shrugged. “ I don’t know. Courting you, I guess?” Inirapan niya ito at nagtungo sa banyo. Great, bulong ng isipan ni Stacy. Sa dinami-rami ng pupuwedeng bumulabog sa kanya ay ito pa ang natapat sa kanya ngayong umaga. Ginawa niya ang lahat ng dapat niyang gawin sa loob ng banyo ngunit pagkalabas niya ay naroroon pa rin ang doktor, tila hinihintay siya na matapos. Nang marinig nito ang pagbukas ng pinto ay napa-angat ang tingin nito sa kanya pagkatapos ay ngumiti. “Are you hungry now, my princess?” Hindi siya umimik pagkatapos ay bumalik sa kanyang higaan at nahiga ulit. Narinig niya pa ang pagpapakawala ni Warren ng malalim na buntong-hininga. “Look, princess. Please eat first, at least. Hindi maganda na nagpapalipas ka ng gutom. Please, let’s eat now.” “Wala akong ganang kumain,” maikling tugon niya. “Ikaw na lang kumain mag-isa.” He sighed again and sat at the edge of her bed. "Stacy…" Marahan niyang hinaplos ang braso ng dalaga. "Eat now, will you? Hindi na kita kukulitin muna, I promise. Kumain ka lang." “Sabi mo ‘yan, ha.” Ngumisi lang ito at inalalayan siyang makabangon. Inayos nito ang mga pagkain na bitbit nito na tila binili pa sa isang mamahaling restaurant pagkatapos ay inihain sa kanyang harapan. Stacy silently watched the young doctor as he took care of her. Seryoso ba talaga ito? Seryoso ba talaga ito sa mga ginagawa nito para sa kanya? Ganoong hindi pa naman sila lubos na magkakilala… “Eat now, princess. Baka lumamig ang pagkain.” Tahimik niyang kinain ang dala nito habang abala ito sa pagbabasa ng mga medical folders na hawak nito. Tila nakonsensya naman na pinukaw niya ang atensyon nito. “Doc…” “What is it, princess?” “Kumain ka na ba?” Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nito. “Are you concerned now about my well-being? Ayaw mo na bang nagpapalipas ako ng gutom?” Napa-irap na lang ang dalaga. “Jeez, e ‘di magpagutom ka. Pakialam ko sa’yo.” Warren chuckled. “Defensive. I like it.” Ibinalik nito ang tingin nito sa mga medical folder na binabasa nito. “I have already eaten, princess. Kainin mo ‘yan lahat, para sa’yo talaga ‘yan.” Tahimik na lamang niyang kinain ang dala nito. Kahit ano yatang sabihin niya ay tila nakakahanap ng paraan ang lalaki para maasar siya. Nang makatapos kumain ay inayos na niya ang kaniyang mga pinagkainan bago bumaba ng higaan at nag-inat-inat. Warren silently glanced at her as she made her way towards the window, where she can have a full and clear view of the surroundings. “Anyway, Stacy, Uncle Adrian is asking for you. Kung pupuwede ka na bang ma-discharge or whatsoever,” panimula ng lalaki. “I told him that you can be discharged now pero parang ayaw mo namang…” “Ayokong makita ‘yong mga pagmumukha ng mga tao roon,” pagbibigay-diin ng dalaga. “It’s… draining. Ayokong marinig ‘yong mga sasabihin nila. Lalo na sina--” Natigilan ang dalaga. Nilingon ang lalaki. “You know what? Bakit ko ba ‘to sinasabi sa’yo? We’re not even friends.” Tumawa ang lalaki. “You can always talk to me, princess.” She blew out air from her mouth. “As if.” “Well, hindi ba, kapag nanliligaw ka, kailangan mong kilalanin ang nililigawan mo? So…” Tumayo ito at naglakad papalapit sa kanya. “Here I am, Stacy. I’m trying to get to know you better. I’m trying to understand and know who you really are.” Tumingin na lamang sa labas ng bintana ang dalaga at nanahimik. Hindi niya magawang buksan ang puso niya sa ibang tao ngayon. Maski ang magtiwala muli ay hindi niya magawa. Lalo na kung sa isang Saavedra. Lalo na kung si Warren. Malay niya ba kung katulad din ito ng kapatid nito na manloloko? Na magaling magpa-ikot ng tao? Na baka kapag… nagtiwala siya ulit, ay magago lang siya ulit? Ayaw na niyang mangyari iyon sa kanya. Sawang-sawa na siya na apak-apakan at gamitin ng mga tao sa paligid niya. Ng mga taong akala niya ay mapagkakatiwalaan niya. “Isa pa, kung binabalak mo na mag-stay dito sa ospital ko, well, I can throw you out,” pamba-blackmail nito. “Hindi naman ito hotel para gawing tambayan ng mga taong kagaya mo.” “So tinatakot mo ako?” Nasilayan muli ng pilyong ngiti ang mga labi ni Warren. “Madali lang naman akong pakiusapan, Miss Consuelo. Pakasalan mo ako, at bibigyan kita ng mas maganda pang buhay. What do you say?” “Here we go again,” she muttered under her breath. “Makulit ka talaga, ano? I don’t understand why you want me to marry you, Mr. Saavedra. Ano namang mapapala mo sa kagaya ko na pangit at ulikba?” “Pangit? Hindi ka naman pangit, a.” She scoffed. “Huwag mo na akong bolahin. Hindi nakakatulong.” Humahalakhak na sumandal ang doktor sa may bintana. “‘Yan ba ang sinasabi sa’yo ng ibang tao? Na pangit ka? Personally, I don’t find you ugly.” “Baka may eye problem ka.” ‘Nope, my vision’s 20-20.” Nilingon siya nito. “Alam mo, Stacy? May iba’t iba tayong tastes. Maaari na kung anong pangit sa iba, maganda para sa akin. Kung anong mababaw para sa iba, malalim para sa akin. I’m not even lying to you, princess. Even now, I don’t find you ugly.” She sighed. “So bakit ako ang napili mong ligawan, aber?” “Kailangan ba talaga may rason?” Nakipagsukatan siya ng tingin dito hanggang sa tuluyan itong mapangiti. “Uy, curious.” Napa-irap ang dalaga. ‘Malamang! Baliw ka ba? Sino ba naman kasing magkakagusto na maging asawa ako, aber?” Naglakad ito patungo sa likuran niya. Stacy shivered as she felt his hands on her shoulders. Bahagya siyang napapitlag nang maramdaman ang hininga nito sa may tainga niya. Her heart was wildly beating but she could not even protest nor move away. It felt as if her own body was rebelling against her own mind and accord. “Don’t think that much, princess. Isipin mo na lang, papakasalan mo ako out of convenience. Huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano. Isa pa, won’t it be beneficial for the both of us? Ikaw, magiging asawa ka ng isang medical director and soon-to-be Medical CEO. Wala nang manghahamak sa’yo kapag ikinasal ka sa akin, Anastasia. I’ll make sure of that. I’ll be under your orders, I’ll provide you anything that you want, anything that you need… Just marry me. Kahit hindi mo na ako mahalin pabalik. Pakasalan mo lang ako, Anastasia. Pakasalan mo lang ako at sisiguraduhin ko sa’yo na hindi ka na iiyak pa.” “If you want me to marry you and not love you, wouldn’t that be unfair for you?” saad ng dalaga. “Ikaw, ibinibigay mo ang lahat tapos ako, ginagamit ka lang?” Warren chuckled. “Don’t worry about that, Stace. I’m fine.” Nagugulumihanan man ay tila malapit nang makumbinsi ang dalaga. Kasal lang naman, hindi ba? Hindi naman niya ito kailangang mahalin kagaya ng ginawa niya kay Miguel. If anything, siya pa nga ang nanggagamit. Hindi ito. Hindi naman siguro makakasama na sumang-ayon sa kagustuhan nito, hindi ba? “Oh, and not to mention. Miguel already proposed to that step sister of yours. Maybe that news will help you decide whether or not to trust me, Anastasia.” Tila nabasag ng ilang ulit ang kanyang puso sa mga narinig. ‘Ni hindi man lang nangimi ang lalaki na palitan siya kaagad. Patunay lamang na hindi talaga siya nito minahal. Na talagang pinapaikot lamang siya nito sa mga palad nito. Nagbabadya ang mga luha mula sa mga mata ng dalaga na tuluyang kumawala nang hilahin siya ni Warren at ikulong sa loob ng mga bisig nito. “Hush now, my sweet princess… Isipin mo na lang na maigi na na hindi ka naikasal sa kapatid ko, hmm?” Naikuyom niya ang kanyang kamao sa tindi ng sakit na nararamdaman. As Warren held her tightly, all that she could do was to mutter under her breath repeatedly, “Help me, Warren…F*ck them all… What the hell did I even do? Bakit ba nila ako ginaganito? ” Warren, on the other hand, just softly stroked her hair and swayed her in his arms. “Don’t worry now, Stacy… I’m here, I’m at your service, my princess. I’m at your service… If he can’t treat you right, then I can. And I will. I can assure you that…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD