Anong… Warren?” Napasinghap si Stacy nang mapagbuksan niya ng pinto ang lasing na lasing na si Warren. Hindi niya mapigilan na mag-alala. Kanina noong nanggaling sila sa restaurant ay hindi siya nito iniimik at nagsabi na pupunta lang sa Red Angel, ang VIP club na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan nito. Hindi nito sinasagot ang mga tawag niya at mas lalo na ng kanyang mga text messages. Ngayon namang nakauwi na ito ay langong-lango naman ito sa alak. Hindi siya nakahuma nang itulak siya nito papasandal sa pader at siilin ng halik. Mariin. Mapusok. Kung noon ay palagi itong masuyo, ngayon ay tila napalitan ng dahas ang bawat galaw ng mga labi at kamay nito. “Warren…” “Sa akin ka lang, Anastasia…” he muttered. “Sa akin ka ikinasal, ako ang asawa mo, kaya sa akin ka lang… Sa akin lang

