"So you're accusing me of being a closet queen, Anastasia?"
Bagaman bahagyang umiikot ang paningin dahil sa epekto ng alak ay napatango si Stacy sa itinuran ng asawa. Pagak siyang tumawa. "Haler, bakit ka naman biglang mag-aaya ng shotgun marriage, 'di ba? Tapos no'ng kasal pa natin, hindi mo ako hinalikan. Hindi mo rin ako matitigan kahit na naayos na ang mukha ko. Alam ko naman na pangit ako at mukhang ulikba pero—"
Napalunok siya at natigilan. Paano ba naman, may sumilay na ngisi sa mga labi ni Warren Saavedra. Ang bilis ng t***k ng puso ni Stacy ay mas lalo pang tumindi nang naglakad ito papalapit sa kanya. Ilang pulgada na lamang ang pagitan ng kanilang mga mukha nang bumulong ito sa tainga niya. Ang malalim at malamig na boses nito ang dahilan ng pagtayo ng balahibo niya sa batok at panginginig ng kanyang mga tuhod.
"Oh, so you've been anticipating a kiss from me, princess? Well, the long wait's over." Sinalubong siya ng tsokolateng mga mata nito. "And for the record, princess, I'm not gay and you're not ugly. Kaya kong patunayan 'yon sa'yo ngayong gabi. Brace yourself, because I'll definitely—"
Tila nahipnotismong napapikit ang dalaga nang lumapit ang mga labi nito sa kanya. Naghintay. Nag-asam. Humihiling, na sana ay hindi siya biguin ni Warren ngayong gabi.
"—make you the happiest tonight."