“Good morning, my princess…” Ang masuyong bulong ni Warren sa kanyang tainga ang dahilan para mapadilat si Stacy. Nag-iinat pa na nilingon niya ito. Nakabihis na ito at mukhang papasok na sa trabaho. “O, papasok ka na, Doc?” He chuckled. “Yeah. Why, are you going to miss me?” Inirapan niya ito at talagang pinigilan na mapangiti. “Asa ka naman. Sige na, umalis ka na. Ingat.” Ngumisi si Warren. “Wala man lang bang kiss d’yan?” “Kiskis sa pader, gusto mo?” “Damot.” Bagaman kinikilig ay talagang pinigilan ni Stacy na hilahin ito at halikan sa labi. She does not usually make the first move, at isa pa, gusto niyang i-enjoy ang panliligaw at panunuyo ng asawa. It was her first time to have someone that sweet and caring for her. Hindi naman kasi ganoon si Miguel sa kanya noon. Madalas ay in

