“Excuse me?” “Dapat yata pinatingnan din ni Doc ang pandinig mo, mukhang may problema rin e,” pambabara nito sa kanya. Stacy scoffed. “My hearing’s perfectly fine. Ikaw, baka may problema ka na sa utak. Mukhang kailangan mo nang magpatingin, e.” “What did you just say?” pagtataas nito ng boses. Ngumisi si Anastasia. “Don’t worry, I’ll ask Warren to give you a discount if ever. ‘Health is wealth’, ‘di ba nga? Dapat alagaan mo ang sarili mo, Stephanie. You should avoid eating other people’s junk. Basura na nga, pinupulot mo pa. And worse, kinakain mo pa.” Umangat ang kamay nito ngunit kaagad nitong naikuyom iyon nang simsimin ni Anastasia ang wine na nasa kopitang hawak niya. Pagkatapos ay sinulyapan niya ito. Ngumisi. At bumalik sa iniinom nito. “I don’t need any discount and I don’t

