L

1543 Words

“Warren!” Kaagad na nayakap ni Anastasia ang asawa nang mapaatras ito, umaagos ang dugo mula sa braso nitong nasaksak ni Stephanie. Sinalag nito ang pag-atake ng babae. He hissed as he tried to ignore the pain, still clutching her tight in his arms. Nagkakagulo na sa loob ng venue. Bago pa man maka-atakeng muli ang anak ng kanyang madrasta, nasukol na ito nina Miguel at Vladymir Krasny kasama ang ilan sa mga security na na-hire nila. Nagpupumiglas pa ito nang ilayo mula sa kanila, kulang na lang ay kalmutin ang mga lalaking pumipigil dito. Naagaw ng isa sa mga ito ang kutsilyo mula sa babae at mahigpit na hinawakan ito sa braso. “Let me go! F*cking assholes!” “Stop it, Stephanie! Huwag mo nang ipahiya ang sarili mo!” galit na turan ni Miguel, na bahagyang nahihirapan dahil sa cast nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD