Tatawa-tawa pa sila pareho nang makauwi sa kanilang tirahan. Naka-akbay si Warren sa asawa habang papasok sa mansiyon. Alas singko na ng hapon nang matapos niya ang kaniyang mga dapat gawin at sinamahan niya pa si Anastasia sa grocery dahil may kailangan daw itong bilhin. Kapag naman ganoon ang nangyayari ay hindi muna umuuwi ang mga kasambahay na na-hire niya. Hinihintay muna ng mga ito na dumating silang mag-asawa bago umuwi. Mababait naman ang mga ito dahil ang ilan ay nagtrabaho na rin sa kanya noong hectic ang schedule niya at hindi na niya kinakaya na maglinis pa ng kanyang sariling bahay. Sinalubong sila ng ngingiti-ngiting matandang katiwala na siyang mayordoma ng mansiyon. Ito ang tumatanggap ng mga bisita at mga sulat o packages ng mag-asawa kapag pareho silang wala sa bahay.May

