Chapter 9

1510 Words
"I'm courting her." I'm not surprised at all. "Congrats, Sir! Grabe buti nga at pinayagan ka eh. Papatulong ka pa rin ba o babantayan ko lang kayo?" I beamed while clapping my hands. We both decided to meet at the usual coffee shop. Sa Carter's. Hindi ko alam pero hindi pa rin kami nahuhuling magkasama dito. Mahal ata ako ni Jesus. Thank you po. He was so happy when I saw him. Todo ngiti siya sa cellphone niya at biglang natatawa. They are probably texting each other. Good for them, I guess? He leaned closer to me and squinted his eyes. Tila nanunuri. "Tell me, why are you doing this, Willow?" Nalilitong aniya. Akala ko nalampasan ko na 'to, shuta. Nagkibit balikat ako. I acted as if it wasn't a big deal to me, kahit na ginugulo ako nito kagabi. "Bored lang, Sir." Ngumisi ako at agad iniba ang usapan. I hope I didn't look so suspicious. Napapatanong din ako minsan. Magagalit ba siya kapag sinabi kong ginawa 'kong nobela ang storya nila? Bakit naman siya magagalit? Ayaw niya no'n maraming makakasubaybay sa kwento nila. But to play safe, I won't tell him. Not even my friends. I trust them, I just don't wanna hear their thoughts. Kailangan ko talagang manalo, kahit na 3rd place lang ayos na. Kung sakaling matapos ko 'to ay sobrang laking achievement na. This will be the first book I've finished. "Balik ulit tayo sa first move, Sir. You should bring her flowers everyday. Nagustuhan naman niya diba? Tsaka don't ask her what flowers she likes, ask her friends!" Suhestiyon ko bago sumubo ng cheesecake. Lumabi siya at nag-isip. Inunahan ko na siya. "Ako nalang magtatanong para safe. Bukas na bukas! Just continue texting her, compliment her everyday." I retorted. "Okay, that'll do. Thank you, Willow. Didn't know you're this bored." Natatawang aniya. Ngumiti lang ako at hindi na sumagot. True to my words, I asked one of Hestia's closest friend. Hindi ko inaakala kung sino iyon. "She likes roses. Red roses. Bakit mo pala natanong?" Lucian answered with curiosity. Hindi ko inaakalang close pala sila, turns out they were childhood friends. Magkapitbahay din sila dahil magbebestfriend ang mga magulang nila. Hindi kasi halata dahil minsan lang sila magpansinan. Malapit lang naman ang upuan ni Hestia sakanya pero hindi talaga sila nag-uusap. "Curious lang ako, tinatanong ko rin iyong ibang kaklase nating babae. I want to know more about flowers." A loud applause for me for lying smoothly. Heck. Tumango-tango naman siya kaya nagpaalam na ako para itext kay Sir. Tama naman pala kami eh. Akala ko hindi niya magugustuhan kasi common pero nakakakilig nga naman ang rosas. Allison and I ate together during lunch time. Hinanap ko pa nga si Rius pero wala siya. Hanggang sa natapos ang lunch break ay wala pa rin siya. I don't really know him besides his name, other than that, I know nothing. Iniligpit ko na ang gamit ko dahil nasa labas na sila Emma, Deby at Sonya. Dahil wala naman kaming gagawin ni Sir ay sumama na ako sakanila. I was about to go out when Hestia stopped and hugged me. "Willow, I forgot to thank you! Thank you for helping him.." Sinserong bulong niya sa'kin. I hugged her back, "Walang problema." Nakangiting sagot ko at kumalas. We bid goodbye to each other. Sinalubong naman ako ng nanunuring mga tingin ng tatlo. Deby held my waist as we started walking. "Close kayo ni Hestia?" Tanong niya. Hindi na ako nagtakang kilala nila ang babae. "Medyo, she's really kind. Sobrang ganda rin niya." Puri ko. "Daming nagccrush sakanya sa dept namin, sana all! Masyadong mahal ni Lord eh." Sonya added. Kumaway pa siya kay Manong Guard nang makalabas sa school. "Nakapayong kasi ako no'ng umulan ng kagandahan." Nagtawanan kami sa biro ni Deby. Hinatak nila ako sa isang fast food chain kung sa'n kami madalas kumakain noong highschool. Emma chose the table near the window. Tanaw na tanaw kami mula sa labas. "Kumusta na pala yung sinusulat mo, Wi? Lapit na ba matapos?" Emma asked while leaning against the window. Napangiwi ako roon. Akala ko wala silang pake doon. Mapapasabak na naman ako sa pagsisinungaling. Lumabi ako bago siya sinagot. "Hindi na siguro ako sasali. Sobrang busy eh, wala na akong time magsulat." I laughed nervously. Ilang segundo niya akong tiningnan at tumango-tango na para bang kumbinsido siya, sana. Masyado ba akong halata? Hindi naman siguro. Medyo totoo naman iyong sinabi ko. Totoong busy sa kolehiyo. Hindi ko nga alam paano ko naisisingit ang pagtutulong kay Sir. "What? Sayang naman, sayang yung prize!" Gulantang wika ni Deby at ngumuso. Si Sonya naman ay busy sa pag-oorder. Alam naman niya iyong gusto namin kaya siya na nag-aasikaso. Aba'y sa tagal naming magkaibigan, paniguradong saulo na niya. "Sayang nga, pero alam niyo naman ako, hindi pa nga ako nakakapagtapos ng isang storya. Malabong mananalo ako." I winced and shrugged my shoulders. "Ang negative mo, pano mo malalaman kung hindi mo susubukan?" I frowned at what Sonya said, nasa amin na muli ang atensyon niya. "Ipush mo kung sa tingin mo kaya mo naman." Emma gave me a reassuring smile. Tinanguan ko lang siya at sinuklian ng tipid na ngiti. We spent our remaining time of the day at the fast food chain talking about random stuffs and just catching up. Nang makauwi na ay agad akong naligo at nagbihis. I opened my laptop and wrote what happened yesterday. Nakadalawang chapters din ako. I couldn't explain what I felt that time. Napailing nalang ako at nagsimula nang magtype. ✎ . . . Mabilis kong sinagot ang tawag ni Sir. He wants to meet up with me at Carter's again, mag-iisip daw kami ng mga gagawin niya. Bahagya akong nainis, is this his first time courting someone? Seryoso? Bakit ako lagi niyang tinatanong eh ako nga 'tong bata at walang experience sa ganyan. I've never been courted! Hay nako. Hindi na ako aasa talaga. With this ordinary face? No one would waste their time pursuing me. Ang daming magagandang choices, bakit ako pipiliin? Pero bakit ba ako nagrereklamo eh ako nga 'tong nagpresenta at sinabing tutulungan sila. While on my way to our classroom, I started thinking what would be the best way to court someone that can make my readers' heart flutter too? Yung hitting two birds with one stone. Ang hirap kasi bukod sa hindi ko pa nararanasan 'to, hindi rin ako lalake. Hindi ko napansing nakarating na pala kami. Muntik pa akong mabangga sa pinto buti at hinila ni Lucian ang buhok ko. "Sorry, puyat lang!" Ngumiwi ako. He just shrugged and went inside. Si Rius ay wala pa rin. Mamaya ay ichachat ko siya. Wala siyang excuse letter na pinapadala kaya laging bawas sa puntos niya. Sayang din. Ano kayang nangyare sakanya? Baka may sakit o baka naman tinamad. We just listened to our Logic teacher while taking some notes. Ang bilis pa maglipat ni Ma'am ng slides akala mo may hinahabol. Kaya paminsan-minsan ay tumitingin ako sa notes ni Lucian. Ang ganda rin ng penmanship niya, cursive pero naiintindihan agad. "Miss Cojuangco, you are excused for today's class." Biglang anunsyo ng Ma'am. Napatingin ako sa labas ng pinto at nakita si Sir Santi na prenteng nakasandal sa hamba ng pintuan. My forehead creased. Seriously? Are they gonna go out at this hour? Hindi ba sila mahahalata? Dumaan si Hestia sa'min kaya kita ko ang namumulang mga pisngi niya. Hindi nagtagal ay pinabalik na kami sa classroom. Napaungol ako nang mahina dahil nasa loob na agad iyong Filipino namin at naghihintay. Wala man lang konting pahinga. "Romualdez, pakikuha ng laptop ko sa faculty, please." Ani Ma'am. Tumango lang ako at nagmartsa papuntang faculty. Dami namin sa klase pero ako talaga iyong inutusan. Natigilan ako nang makarinig ng gitara sa hallway. I stopped talking when I heard a familiar voice. Sinundan ko ang tunog hanggang sa narating ko ang room ng Student Council. Sumilip ako sa b****a ng bintana. My eyes widened in shock when I saw Sir Santi strumming his guitar while singing. Ang ganda ng boses niya. I never thought he could sing! My hands flew on my mouth when I saw Hestia in front of him who was swaying her head together with the melody coming from Sir Santi's voice and his guitar. Parang may bumara sa lalamunan ko sa aking nakita. I even felt a pang on my chest, hindi ko na naman alam kung bakit. He excused her from our class just to spend time together, and she's willing to ditch our next class to be with him. I tasted bitterness on my tongue as I fixed myself and took a step back. Mabilis akong umalis at dumiretso sa faculty. Bakit ba ako nageexpect na iuupdate niya ako sa lahat ng gagawin niya? Hindi naman kailangan. Tutulungan ko lang naman siya kung kailan niya gusto. I clenched my jaw while walking back to our room. Pagdating ko ay naroon na si Hestia. I sheepishly smiled at her when our eyes met. KILLING ME SLOWLY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD