Masayang naglalakad si Tine galing sa kaniyang trabaho nang aksidenteng nalaglag ang hawak nitong rolling ball na galing sa kaniyang kaibigan.
Nagpagulong gulong ito kaya't mabilis niya itong hinabol hanggang sa mapansin niya ang isang batang babae na pilit na pumasok sa isang bakanteng lote.
Halos manginig ang tuhod ni Tine nang biglang magbalik-tanaw ang nangyaring krimen sa kanila nang kaniyang kaibigan.
Five years ago, Nang masaksihan ni Tine ang kahindik hindik na pagpatay sa kaniyang kaibigan.
Gabi non nang magyaya ang matalik na kaibigan ni Tine sa kaniya para puntahan siya nito sa kanilang bahay.
"Tine saan Kana?" Tanong ni Leslie kay Tine habang humihithit ito ng isang sigarilyo malapit sa kanilang bintana.
" Oo malapit na. May handaan ba talaga sa bahay ninyo bes?" Sagot ni Tine kay Leslie habang nakasakay sa taxi.
"Ano kaba naman bes? Birthday ko ! Natural May handaan diba." Sagot ni Leslie kay Tine.
"Oh cge cge, basta ikaw ang bahala sa akin dyan ha? Nahihiya kasi ako kila tito e?" Sagot ni Tine kay Leslie habang pababa naman ito nang taxi.
"Oo naman ako pa!" Ngiting sagot ni Leslie sa kaniya.
Pagkababa ni Tine sa tapat ng bahay nila Leslie ay agad naman itong pumasok sa loob ng gate at kumatok ito sa pintuan.
Pinagbuksan naman siya ni Leslie na halatang bihis na bihis ito sa kaniyang suot. At niyaya nito ang kaibigan niyang si Tine na sumakay na agad sa pulang kotse .
"Saan tayo pupunta bes?" Gulat na tanong ni Tine sa kaibigan.
"Basta! Wagka nang magtanong at malalaman mo din." Ngiting sagot naman niya kay Tine.
Ano ka ba naman bes. Parang hindi mo naman ako kilala ? Malakas ako kilala papa .kaya wala silang magagawa kung gusto kong umalis kasama mo!" Pangiti ngiting sagot ni Leslie kay Tine habang patuloy na nagmamaneho.
Maya maya pa ay nakarating na sila isang club na malapit sa school na kanilang pinapasukan.
***JAY CLUB KTV BAR*****
"Jay Club?" Basang sabi ni Tine sa karatola nito sa taas ng club.
Agad naman siyang hinila ni Leslie papasok sa loob ng club at labis na nanibago si Tine sa mga nakikita sa loob ng club.
Pagkapasok palang nila ay agad naman silang niyaya ng mga lalaki para makipag shot sa kanila sa ibang table.
May mga magpartner na masayang masayang sumasayaw, magjowang nagyayakapan, May mga naghahalikan at May mga lasing na babaeng nagagawang sumayaw sa harapan ng mga lalaking naghihiyawan at atat na atat silang hawakan.
Kaya labis nalang ang ikinagulat ni Tine sa lahat ng nakikita niya ngayon sa loob kumpara sa nakikita sa labas.
Agad naman siyang binigyan ni Leslie ng maiinom nitong isang baso ng alak. Kinuha niya naman iyon ngunit hindi niya parin iniinom .
"Ano ka ba naman bes? Umalis na tayo rito?" Yayang sabi ni Tine kay Leslie.
"Hah?? Bes naman? Hindi mo ba nakikita ang mga nasa paligid mo?subrang saya nila diba?" Ngiting sagot ni Leslie sa kaniya habang umiinom ng alak.
"Pero bes? Ang saya saya nga nilang lahat ngayon pero alam ba nila kung ano ang pwedeng masamang mangyari sa kanila dito pagnasubrahan nilang malasing?" Nangangabang sabi ni Tine sa kaibigan.
"Ede sana? May nangyari na sa aking masama Nong dinala ako ni James dito dati? Diba wala? Hito ako oh kasama mo parin hanggang ngayon diba?" Pangiting sabi muli ni Leslie kay Tine.
"Pero bes? Talagang kinakabahan talaga ako rito?" Malungkot na sagot muli ni Tine sa kaibigan.
"Wagkang mag-alala akong bahala sayo diba. Birthday ko naman bes !pwede bang samahan mo muna ako ngayon kasi nag- away kami ni James eh?" Sagot nito kay Tine.
Walang nagawa si Tine kundi samahan na lamang ang kaibigan nitong si Leslie dahil sa pakikiusap nito sa kaniya.
Hindi na nga nakatanggi pa si Tine sa kaibigan nito kaya pinaboran naman nito ang gusto ni Leslie na magsaya silang dalawa ng gabing yon.
Sa kalagitnaan nang kasiyahan, habang masayang masaya ang magkaibigan na nagsasayawan ay mapapansin naman ni Tine ang paglapit ng dalawang lalaki mula sa kanila.
Nang makalapit ang dalawa sa kanila ay agad naman itong nagpakilala kay Tine.
"Hi! My name is James? Boyfrien nga pala ni Leslie?" Pagpapakilalang sabi nito kay Tine.
"Ganun ba? Eh sino naman siya?" Tanong ni Tine kay James at itinuro nito ang katabi nila.
"Friends ni James yan bes! Si Tonton nga pala bes?" Ngiting sagot ni Leslie kay Tine.
Nakipagcheck hands naman si Tonton kay Tine habang nakangiti itong nakatingin sa kaniya. Pagkatapos ay niyaya ni Leslie sila Tine at James syaka si Tonton para mag order pa ulit ng isang set ng alak na ininom nila.
Aminado naman na mahina si Tine pagdating sa pag-inom ng alak kaya hinay hinay lamang siyang uminom sa harapan nila para hindi siya gaanong malasing.
Habang Abalang nakikipagkwentuhan si Tine sa kaibigan nitong si Leslie ay di niya namamalayan na nilalagyan na pala ni Tonton ng drugs ang iinomin nitong isang basong alak para kay Tine.
Nagpatuloy ang kwentuhan at inuman sa kanilang apat . Ngunit makakaramdam ng matinding pagkahilo si Tine ng muli niyang inumin ang isang baso ng alak na inabot ni Tonton sa kaniya.
"Parang nahihilo ako bes?" Ika ni Tine kay Leslie.
"Lasing Kana ba bes?"tanong ni Leslie kay Tine.
"Hindi bes?kunti palang naiinom kung alak eh?" Sagot ni Tine na mukang matutumba na sa kaniyang upuan.
"Oh sige bes? Eh last shot nalang namin to at uuwi na tayo?" Sagot ni leslie kay Tine.
Nagpasya na lamang si Tine na maupo sa gilid malapit sa counter na pinagkukunan ng alak habang nakatingin sa kanilang tatlo ni Leslie.
Maya maya pa'y pasulyap sulyap naman si la James at Tonton kay Tine kung nakatingin paba ito sa kanila. Nang mabaling ang tingin ni Tine sa iba ay agad namang hinalohan ni James ng drugs pills ang iinumin ni Leslie.
" Oh last shot bhabe uuwi na tayo?" Pangiting sabi ni James kay Leslie.
"Sure ka ha? Past 11 na din kasi baka mapagalitan pa ako ng mama ni Tine pagdipa kami nakauwi." Sagot ni Leslie sa kanya.
Agad namang ininom ni Leslie ang bigay na alak ni James sa kaniya at pagkalipas ng ilang minuto ay nakaramdam narin ito ng pagkahilo.
Kaya niyaya niya sila James at Tonton na ihatid na lamang silang dalawa ni Tine sa labas para makauwi na.
Ngunit sa halip na ihatid sila James at Tonton ay nagpasiya ang dalawa na dalhin sila Leslie at Tine sa isang motel malapit sa club na kanilang pinasukan.
'SuGO MOTEL! ! !....
"Good evening po sir? How many bedrooms do you like to check in?" Sabi ng isang room attendant kila James.
"Two bedrooms?" Sagot ni James.
"Short time or overnight po mga sir?" Ngiting tanong muli ng isang room attendant kila James.
"Over night!" Atat na sagot ni Tonton sa room attendant .
"Ok po sir." Ngiting sagot muli ng room attendant syaka nito binigay kila James ang dalawang susi ng room na pagpapasukan nila sa dalawang mag kaibigan na Leslie at Tine.
[Room key 204] and [Room Key 206]
Nang makarating ang apat sa Room 204 ay agad namang ipinasok ni James si Leslie sa unang kwarto.
Pagkatapos ay agad naman hinatak ni Tonton si Tine papunta sa isa pang kwarto. Nang makarating ang dalawa sa Room 206 biglang mag riring ang celphone ni Tonton kaya agad naman niya itong sasagutin.
Samantala nang magkaroon ng lakas si Tine ay agad naman itong tumakbo ngunit sa subrang pagmamadali ay nabungo niya ang isang lalaking papasok sa kabilang kwarto.
Agad naman siyang humingi ng tulong ngunit sa subrang pagkahilo ay nahimatay na lamang ito sa harapan ng isang lalaki.
"Tulungan mo kami ng kaibigan ko!" Pagmamadaling sabi ni Tine sa lalaki.
Nang mawalan ng malay si Tine ay agad naman siyang binuhat ng lalaki at ibinalik ulit ito sa kabilang kwarto.
[Room 206]
"Buti nalang tol nakita mo siya!" Sabi ni Tonton sa kaibigan niyang si Drew
"Kilala mo ba to?" Tanong ni Drew habang buhat buhat si Tine.
"Gf ko tol. Ako na bahala sa kaniya." Sabi ni Tonton kay Drew syaka nito binuhat si Tine papasok.
Ipinasok ulit ni Tonton si Tine sa loob ng kwarto at syaka nito inihiga sa kama.
"Napaka ganda mo talaga Tine!" Gigil na sabi ni Tonton.
Pagkatapos ay agad naman hinalikan ni Tonton si Tine sa mga leeg nito ay sinimulang maglakbay ang kaniyang mga dila papunta sa dibdib ni Tine.
Akmang tatanggalin na ni Tonton ang kaniyang mga pantalon ay agad namang kumatok si James sa pintuan kung kaya't dali dali itong pinabuksan si James sa labas.
"Oh Tol?ikaw pala? Anong kaylangan mo?" Tanong ni Tonton kay James .
"Meron ka ba dyan?" Tanong ni James kay Tonton.
"Yun ba Pare? Syempre meron. Kunin ko lang ha?" Sagot ni Tonton kay James syaka ito pumasok muli sa loob.
Agad namang pumasok si Tonton sa loob at Kinuha ang drugs sa kaniyang pitaka syaka nito ibinigay kay James.
Nang makabalik si James sa kabiling kwarto nadatnan na lamang niyang wala na sa kama si Leslie kaya dali dali itong lumabas para bumalik muli kay Tonton .
Knock! Knock! ! ! ! !
Ang mabilis na pagkatok ni James sa pintuan nila Tonton. Pinagbuksan muli siya ni Tonton at halatang inis na ito kay James.
"Oh ano na naman ba yun pare?" Tanong ni Tonton .
"Si Leslie nakatakas!" Pag mamadaling sagot ni James kay Tonton.
" Hah?? Tara pare baka magsumbong yun!" Tarantang sagot ni Tonton.
"Panu si Tine? Baka tumakas din yan?" Sabi ni James.
"Halika na pare! Wala nang malay si Tine sa tingin mo kaya niya pa kayang makatakas niyan. Ako na bahala tara na!" Anyayang sabi ni Tonton.
Dali dali silang nagtungong dalawa para hanapin si Leslie. Samantala naiwan naman si Tine na walang malay.
Habang si Leslie naman ay mabilis na tumatakbo pababa sa second floor . Ilang minuto din ang lumilipas ay naabutan nila James at Tonton si Leslie kaya mabilis nila itong hinabol.
"Tulong ! ! !" Pagsusumigaw na sabi ni Leslie sa labas ng parking lot.
Sa subrang pagmamadali ni Leslie ay nadapa ito, dahilan para maabutan siya nila James. Nang maabutan siya nang mga ito ay sapilitan siyang binuhat ng mga ito papunta muli sa loob ng hotel.
"Akala mo talaga babe! Makakatakas pa kayo ng kaibigan mo!" Pangiting sabi ni James habang buhat buhat siya nito.
"Napaka walang hiya mo! Wag niyong idadamay ang bestfriends ko! " Iyak na sabi ni Leslie kay James.
Samantala nagkamalay naman si Tine at unti unti nitong ibinangon ang sarili mula sa pagkakahiga. Kinuha nito ang phone niya at mabilis niyang tinawagan ang mga magulang ni Leslie ngunit bigo siyang makausap ang mga ito.
..The number you have dial is out of coverage area . .please try again later...tot tot...
Nagpasya siyang lisanin ang kwartong iyon ngunit sa mga sandaling iyon aminado si Tine na kunti lamang ang natitirang lakas nito.
Alam ni Tine na hindi niya kakayaning makahingi ng tulong sa baba kung magpapatuloy pa siya sa paglalakad .Kaya kumatok nalamang ito sa kabilang kwarto upang makahingi ng tulong.
"Knock! Knock! ! !" Mabilis na pagkatok ni Tine sa Room 205.
Ngunit wala paring lumalabas kaya labis nalamang ang pangamba ni Tine na baka maabutan siya nila James.
"Kung May tao man dyan? Tulungan niyo ako?" Mahinang sigaw ni Tine sa kabilang kwarto.
Maya maya pa ay bumukass ang pintong kinakatok ni Tine at mabilis itong pumasok sa loob para I lock ito.
Nawala tuloy sa isip niya ang taong nagbukas ng pinto para sa kaniya. Wala na siyang nasa isip kundi maitago ang sarili mula kina James at Tonton.
"Ehem?" Mahinang sabi ng lalaki kay Tine.
"Sorry !sorry! Pero kaylangan ko lang talagang tumago dito pansamantala please!" Takot na sabi ni Tine sa lalaking nakaupo sa sofa.
Nang mga sandaling iyon ay agad namang kumatok sila James at Tonton sa kwartong kinaroroonan ni Tine kaya pinabuksan namn ng binata silang dalawa.
"May nakita ka bang babae na mahaba ang buhok? Tapos Naka Red ito ng bistida?" Tanong ni Tonton sa binata.
"Wala naman ?" Dinay na sagot ng binata kila Tonton .
"Ganun ba? Pwede bang I check namin ang kwarto mo baka kasi nakapasok na siya sa loob?" Tanong ni James sa binata.
Agad namang hinarangan ng binata ang dalawa at tinitigan ang mga ito ng seryuso syaka ito muling nagsalita.
"Hindi niyo ba alam na V.I.P room to? Kapag pinilit niyo pang pumasok sa loob ng aking kwarto! I call the security guard either the police na pwedeng dumampot sa inyo dito sa hotel!" Inis na sabi ng binata kila James at Tonton.
"Bakit sino kaba!" Yabang na tanong ni James sa binata .
"Uncle ko ang May ari ng hotel!" Sagot ng binata kay James.
"Pre! Tara na ! Baka tuluyan pang makawala yun!" Yayang sabi ni Tonton kay James syaka nito hinatak ang kaibigan paalis.
Nang makaalis sina James at Tonton ay agad namang isinara ng nasabing binata ang pinto at muling tinignan si Tine nito.
"Salamat!" Anya ni Tine na mukang naluwagan sa takot.
"Ngayon siguro naman aalis Kana!" Anya ng binata kay Tine syaka ito muling umupo sa sofa.
"Pwede bang humiram ng celphone mo? Please tatawagan ko lang ang mama ko?" Anya ni Tine sa binata.
"Panu kung sabihin kong ayaw ko! Pwede ka namang umalis ngayon diba wala na sila!" Tugon ng binata kay Tine.
"Please! Kapag hihingi ako ng tulong sa baba ng hotel baka makita lang nila ako ni James !" Malungkot na sabi muli ni Tine.
"Uncle ko ang May ari nang hotel na to! Now pwede kong sabihin na paalisin Kana!" Inis na sagot ng binata.
"Please! Kahit ano gagawin ko ! Kaylangan ko lang mailigtas ang bestfriend ko !" Pagmamakaawang sabi ni Tine.
Agad namang binigay ng binata ang kanyang celphone kay Tine.
"Sa susunod.. piliin niyo naman ang taong sasamahan niyo nang kaibigan mo!" Anya ng binata kay Tine syaka nito inabot ang kaniyang celphone.
Mabilis na tinawagan ni Tine ang kaniyang mama ngunit bigo parin siyang matawagan ito kaya tinawagan niya muli ang mga magulang ni Leslie para humingi ng tulong pero sa pangalawang pagkakataon ay bigo parin siya.
"..This number is out of coverage area...
please try again later ..Tot..tot..tot.." anya ng celphone kay Tine.
Wala nang nagawa si Tine kundi isauli sa binata ang celphone na kanyang hiniram at nagpasya na lamang itong lumabas para hanapin ang kaniyang kaibigan ngunit hinawakan siya ng binata.
"Bitawan mo ko! Total ayaw mo naman akong tulungan! Ako nalang ang hahanap sa kaibigan ko! Bahala na!" Inis na sabi ni Tine sa binata.
Nainis ang binata sa sinabing iyon ni Tine sa kaniya kung kaya't hinila nito si Tine pababa ng hotel.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Tine.
"Akala ko ba hahanapin natin ang kaibigan mo!" Sagot ng binata habang hawak nito ang braso ni Tine.
Sa pagkakataon iyon ay nagkaroon si Tine muli ng lakas ng maramdaman niyang May tao pa palang gusto siyang tulungan kaya mabilis nilang kinatok ang bawat sulok ng mga kwarto ng hotel para makita si Leslie.
Bagamat nanghihina parin si Tine ay minabuti parin niyang hanapin ang kaibigan. Ilang oras ang nakakalipas ngunit bigo parin sila Tine at ang binata na mahanap ang kaibigan nito.
Bumababa sina Tine at ang binata sa hotel para hanapin muli si Leslie .
Ilang oras din ang nakakalipas ngunit di parin nila makita ang kaibigan nito.
Hanggang sa makarating sina Tine sa bakanting lotte na may makitid na daanan tanging mga tambay lamang ang pumapasok doon.
Kaya naisipan nilang pasukin ang daan na yun kahit di nila alam ang susunod na mangyayari sa kanila.
Habang binabagtas nila Tine ang daan ay bigla na lamang pinupok ni James ang ulo ng binata syaka nito isinunod si Tine dahilan para mawalan ng malay ang dalawa.
Samantala nang mawalan ng malay sina Tine at ang binata nitong kasama ay naisipan naman ni James si Tine ngunit pinigilan siya ni Tonton.
" Ano ba pare! Mamatay din lang ang babaeng ito bakit hindi natin sulitin pa!" Anya ni James kay tonton habang tinatanggal nito ang kaniyang pantalon.
"Pre ! Mag uumaga na! Halika na idispatsya na natin ang dalawang ito!" Tugon ni Tonton syaka nito binuhat ang binatang katabi ni Tine.
Kinabukasan, Sa pagmulat ng mga mata ni Tine ay labis itong magugulat nang makitang katabi nito ang kaniyang kaibigan na si Leslie.
Duguan ito at puno nang saksak si Leslie kaya agad siyang yayakapin ni Tine.nang mayakap ni Tine si Leslie ay nagsisigaw na ito at labis labis ang pag-iyak.
"Les! Les! Gumising ka please! ! Please imulat mo ang mga mata mo! ! Wagmo akong iwanan ng ganito please! " Mangiyak iyak na sabi ni Tine sa bangkay ng kanyang kaibigan.
Nagpatuloy parin ang pag-iyak ni Tine habang yakap yakap ang katawan ng kanyang kaibigan. Hindi na nagawang ni Tine makahingi ng tulong dahil sa pinsalang natamo nito sa kaniyang paa kaya isinisigaw na niya lamang ang salitang "TULONG!"
Maya maya pa ay dumating ang mga pulis at agad inaresto si Tine para dalhin sa prisinto. Samantala agad namang dumating ang mga magulang ni Leslie at galit na galit itong sinugod si Tine.
"Napaka walang hiya mo!" Galit na sampal ng mama ni Leslie.
"Hindi ko alam? Please maniwala kayo!" Maluha luhang sabi ni Tine sa kanila.
"Bakit mo pinatay ang anak ko!" Galit na sampal muli ng papa ni Leslie kay Tine.
"Pinagkatiwalaan pa naman kita para sa anak ko tapos papatayin mo lang siya!" Dagdag pang sabi muli ng papa ni Leslie.
"Si James at TonTon po ang May plano nito ! Pinainom nila kami tapos nilagyan nila ng drugs pill ang iniinom namin ni Leslie syaka kami sapilitang dinala sa hotel para pagsamantalahan?" Paliwanag na sagot ni Tine sa mga magulang ng kaniyang kaibigang namatay.
Bago pa man magsalita muli si Tine ay agad naman siyang kinalakad ng mga pulis syaka siya isinakay sa sasakyan ng mga pulis.
Samantala naiwan naman ang mga magulang ni Leslie sa pinangyarihan ng accident at labis labis ang galit at iyak.
"I'll make sure! Magbabayad kang babae ka sa ginawa mo sa anak ko!" Iyak na sabi ng mama ni Leslie habang nakayakap ito sa kaniyang asawa.
Sa kabilang dako naman habang nasa prisinto si Tine ay tulala parin itong nakaupo at inaalala ang malagim na sinapit nang kaniyang kaibigan.
Labis labis ang galit na nararamdaman ni Tine sandaling iyon at wala na siyang nagawa kundi umiyak na lamang.
"Name?" Tanong ng isang pulis na nakaupo sa harap ni Tine.
"Name?" Tanong muli ng pulis kay Tine.
"Tine Mendez!" Sagot ng ni Tine sa pulis.
"Age?" Tanong ulit ng pulis.
"21 years old" sagot ni Tine.
"San nakatira?" Tanong muli ng pulis.
"#146 Mabini Street po" sagot muli ni Tine.
"Fathers name?" Tanong muli ng pulis.
"Wala na po!" Sagot ni Tine.
"Mothers name?" Tanong muli ng pulis
"Maita Mendez po!" Sagot muli ni Tine.
Maya maya ay pinatayo nang isang pulis si Tine syaka siya ipinasok muli sa loob ng silda. Habang si Tine naman ay tulala parin kahit nasa loob na ito ng kulungan.
Sumapit ang gabi habang tulalang nakatingin si Tine sa mga kasama nito sa loob ay ipinatawag siya ng isang babaeng pulis.
" Oh Tine Mendez?" Anya ng babaeng pulis.
Agad naman tumayo si Tine at lumabas. nakita nito ang kaniyang mama at labis labis ang pag-aalala sa kaniya kaya niyakap niya ito ng mahigpit syaka ito umiyak.
"Mama!" Iyak na sabi ni Tine sa kaniyang mama.
"Anong nangyari sayo ha? Nasaktan kaba ha?" Malungkot na tanong ng mama niya.
"Okey lang ako mama!" Iyak muling sagot ni Tine.
"Wagkang mag-alala anak at gagawa ako nang paraan mailabas ka lang dito ha!" Iyak na sabi ng mama niya.
"Pinatay nila si Leslie ma!" Sigaw na iyak ni Tine.
Niyakap siya muli ng kaniyang mama at ibinalik muli si Tine sa loob ng kulungan.
Maya maya pa ay dumating naman ang mga magulang ni Leslie at tinignan nang masakit na tingin si Tine ng mga ito.
"Ang lakas ng loob mo para utosan pa ang mama mo para iyurong ang kaso mula sayo!" Galit na sigaw ng mama ni Leslie kay Tine.
"I'll make sure you will be pay for that! Tandaan mo yan!" Sigaw muli ng mama ni Leslie.
Pagkatapos ay niyaya ni Jhon ang kaniyang mama na umalis na lamang at hayaang ang mga pulis nalang ang bahala kay Tine.Si Jhon ay bunsong kapatid na lalaki ni Leslie na May gusto kay Tine dati pa.
Makaraan ang ilang Linggo tuluyan na ngang dinala si Tine sa loob ng korte Suprema upang hatalon ito.
Habang nasa loob ng korte ang lahat ay ikinagulat naman ni Tine ang pagdating ng witness na gagamitin ng mga magulang ng kaniyang kaibigan.
Ikinagalit ni Tine ang nakita niyang iyon at buong lakas niyang sinugod si James at binigyan ng malutong na sampal.
Ngunit bago pa man ang lahat pinigilan siya ng mga attorny kaya hindi niya lubos nasaktan si James.
"Kilala mo ba si Leslie Dimasan?" Tanong ni Attorney Cha kay James .
Si Attorney Cha ang ang attorney na kinuha ng mga magulang ni Leslie.
"Opo!" Sagot ni James.
"Kaano-ano mo si Leslie?" Tanong muli ni attorney Cha.
"4 years girlfriend ko po siya!" Pa-iyak na sagot ni James.
"Ganun ba? Kilala mo ba ang babaeng nasa harapan mo ngayon?" Tanong muli ni attorney Cha.
"Opo. Bestfriend siya ni Leslie!" Denay na sagot muli ni James.
"Kung ganun? Ano sa tingin mo ang intensyon ni Tine para patayin ang iyong girlfriend?" Seryusong tanong muli ni atty.Cha.
"Selos po! Actually po binalak po ni Tine na makipag-break na daw po ako kay Leslie!" Denay na sagot muli ni James.
"Sinungaling ka talaga!" Galit na sigaw ni Tine kay James.
"Objection your owner ! Pwede bang pataposin mo muna ang akosasyon sayo ng lawyer ko at witness namin!" Sigaw na sabi ng mama ni Leslie kay Tine.
Natigilan si Tine at naupo muli ito habang si James naman ay halata ang ngiting itinatago nito sa kaniyang mukha nang maidiin si Tine sa pagpatay kay Leslie.
"Mr. James?December 4 Nang makitang lumabas sina Leslie at Tine nang gabing iyon? Ikaw ba ang sadya nila?" Tanong muli ni atty.Cha.
"Sa totoo lang po hindi ko po alam na ako ang sadya nila basta nakita ko nalang sila pearl na nandoon din sa club na pinuntahan ko! Yun lang po!" Denay na sagot ni James.
"Club? So ibig mo bang sabihin nagkasama sama kayong tatlo sa loob ng club?" Tanong muli ni atty.cha.
"Opo! Pero tumawag ang mommy mo ko at pinauwi na ako kaya nagpaalam na lamang ako sa kanila na maiwan ko muna sila." Denay muling sagot ni James.
"Sinungaling ka! Kayo ang pumatay sa kaibigan kong hayop ka! Kung dimo hinaluan ng drugs pill ang iniinom namin edi sana hanggang ngayon masaya pang nagdiriwang ng kaarawan niya ang kaibigan ko!" Galit na galit na sigaw muli ni Tine habang itinuturo si James sa kaniyang harapan.
Nang magkaroon muli ng lakas si Tine ay mabilis nitong sinugod si James sa kaniyang kinauupuan siya nito sinabunutan.
Patuloy parin siyang inaawat security guard pero nagawa niya pang duraan si James sa labis na galit nito .
Maya maya pa ay hiningi ng Judges na ipagpatuloy muli ang kaso sa ibang araw dahil gulong ginawa ni Tine sa loob ng korte.
Kinagabihan habang natutulog si Tine ay napanaginipan nito ang kaniyang kaibigan dahilan para siya ay magising muli sa pagkakatulog.
"Tulongan mo ko Tine!" Sigaw na umaalingaw ngaw kay Tine..
Nang magising si Tine sa pagkakatulog ay nakakita siya ng isang anino na para bang pinagmamasdan siya mula sa malayo.
Lumapit siya rito para makitang malapitan ang aninong iyon at laking gulat niya nang makita niya ang anino nang namayapa niyang kaibigan na si Leslie.
Nakatitig ito sa kaniya ngunit nanatili parin siyang kalmado bagama't May halo paring agam agam ang kaniyang mga isipan.
Hindi nagawang matakot ni Tine sa mga sandaling iyon dahil maging siya man ay labis na nalulungkot sa pagkawala nang kaniyang kaibigan.
Hustisya ang pilit na isinisigaw ng aninong iyon para kay Tine kaya naiyak na lamang si Tine nang makita nito ang unti unting pag agos ng mga luha ng kaniyang kaibigan at tahimik itong namamaalam na sa kaniya.
Halos madurog ang puso ni Tine nang unti unting maglaho ang aninong iyon sa kaniyang harapan. Iniyak muli ni Tine ang sama ng loob na kaniyang nararamdaman at ipinangako sa sarili na babalik siya at pagbabayarin ang may gawa nito sa kaniyang matalik na kaibigan.
Ilang araw din ang nakalipas bago ulit isinalang muli sa korte Suprema si Tine para hatulan muli ang ibinibintang muli sa kaniyang pagpatay kay Leslie.
Day 4 nang muling magharap harap muli sina Tine at James sa harapan ng korte ngunit abot langit parin ang galit ng mga magulang ni Leslie kay Tine at nagawa pa nila itong idiin muli.
Sa mga sandaling kinukuhanan ng panayam si Tine ukol sa ibinibintang sa kaniya na pagpatay sa matalik nitong kaibigan na si Leslie.
"Inaamin mo bang kasama mo si Leslie nang gabing magpunta ka sa isang club na nasabi sayo ng witness?" Anya ng isang prosecutor na nagtatanong sa kaniya.
"Opo! Pero si Leslie ang unang tumawag sa akin para ipagdiwang ang birthday niya nang gabing iyon. Akala ko sa bahay nila gaganapin ang kaniyang kaarawan ngunit niyaya nalang ako ni Leslie na pumunta kami sa isang night club para doon na lamang ipagdiwang ang kaniyang birthday. Tapos hindi ko akalain na sa kalagitnaan ng pagsasaya namin ng gabing iyon ay ang pagdating naman nila James at Tonton. Nagpakilala si James na boyfriend siya ng kaibigan ko kaya hinayaan ko na lamang na magsaya kaming tatlo ng gabing iyon kasama ang kaibigan ni James na si Tonton. Hanggang sa nilagyan nila James nang drugs pill ang iniinom namin ni Leslie dahilan para makaramdam kami ng matinding pagkahilo nang gabing iyon. Tapos ay sapilitan kaming ipinunta sa isang hotel para isagawa ang maitim nilang plano sa amin ng kaibigan ko. Tig-isang kwarto ang kinuha pa nila para masolo kaming dalawa ni Leslie. Hanggang sa nagkamalay ako at nagawa kong tumakas kay Tonton at nagtago ako sa kabilang kwarto para humingi ng tulong ngunit huli na nang samahan ako ng lalaking nakilala ko sa kabilang kwarto dahil sa patuloy na paghanap namin kay Leslie napadpad kami sa isang bakanting lote hanggang sa napansin ko na lamang na tila ba May pumukpok sa aming ulo ng kasama ko kaya nawalan kami nang malay. Paggising ko nakita ko nalamang na naliligo sa sarili dugo ang kawawang kaibigan ko. Sinubukan kong humingi ng tulong ngunit subrang sakit ng katawan ko nang mga sandaling iyon dahil sa pagkaka pokpok kaya nagsisigaw na lamang ako ng tulong. Tapos magugulat na lamang ako nang dumating ang mga pulis at sapilitan akong dinampot at ikinulong na para bang ako ang pumatay sa aking kaibigan. Alam kong nag-asaran kami ng kaibigan ko ngunit hindi ko magagawang patayin siya dahil higit pa sa sarili kong kapatid ang turing ko don kaya please maniwala po kayo sa akin! Inosente akong tao at hindi totoo ang mga ipinaparatang nila sa akin!" Maiyak iyak na salaysay ni Tine sa loob ng korte.
Halos maluha luha naman ang ina ni Tine nang marinig ang salaysay ng mahal niyang anak kaya lumapit ito sa mga magulang ng biktima upang humingi ng tawad at palayain ang kaniyang anak na si Tine.
Ngunit nanatili parin tikom at sarado ang mga bibig ng mga magulang ni Leslie at nagawa pa nilang ipakaladkad ang ina ni Tine palabas ng korte.
Nagpatuloy muli ang tanong kay Tine ng korte Suprema pero sa kasamaang palad nanalo ang kasong gusto na magulang ni Leslie kaya mapapatawan nang habang buhay na pagkakakulong si Tine.
Natalo ang kasong gustong ipanalo nang ina ni Tine dahil sa walang sapat na testigong makakapagsabing inosente nga siya at walang kasalanan.
Labis labis ang galit na nararamdaman niTine nang mga sandaling nakikita niyang masaya ang taong pumatay mismo sa kaniyang kaibigan kaya sa paglabas nila ng pintuan ay agad nitong sinugod muli si James at buong tapang itong dinuraan sa mukha nito.
"Your f*****g bullshit! Gago ka! Ngumiti ka lang hangga't nakakulong ako dahil sisiguraduhin kong pagbabayarin kayo nang Diyos sa ginawa niyong pagpatay sa kaibigan ko! Sinira niyo ang buhay namin ni Les! Sana mamatay na lang kayo!" Galit na inisigaw ni Tine habang pilit naman siyang inaawat ng mga pulis.
Nang makulong si Tine ay siya namang unti unting panghihina nang katawan ng kaniyang inang si Maita dahil sa labis nitong pagkalungkot sa anak.
Gabi gabing umiiyak ang mama nito at lagi siyang ipinagdarasal upang makalaya pa. Habang si Tine naman ay labis na nangungulila sa pag-aalaga ng kaniyang inang si Maita.
" Ano bang ginawa kong masama at para parusahan ako ng ganito!" Maluha luhang tanong ni Tine sa kaniyang sarili.
Makalipas ang limang taon..
Habang nasa loob parin ng kulungan si Tine ay dinalaw siya nang kaniyang inang si Maita upang dalhan muli ito nang makakain ngunit Napansin nito na para bang kinakabahan siya sa mga titig nang kaniyang ina sa kaniya.
Kaya mahigpit nitong niyakap ang kaniyang ina at muli nitong hinalikan sa nuo. Tapos ay naramdaman ni Tine na para bang May gustong ipahiwatig ang kaniyang ina.
"Ano man ang mangyari mahal na mahal kita anak ko! Sana pagsakaling mawala man ako sa tabi mo ay manatili ka paring matapang at maging mabuting tao. Ingatan mo lagi sarili mo ha dahil iiyak ako pagmakikita ka muling masaktan. Gusto ko pagnakalaya Kana dito magsimula ka muli nang panibagong buhay!" Pangiting sabi ng ina ni Tine sa kaniya.
"Ano ba naman kayo ma! Diba nga sabi ko sa inyo wag tayong mawalan ng pag-asa at makakahanap din kami ng testigo baka sakaling malaman din nila ang totoo at makakalaya din ako kaya mama! Hintayin mo ko ha! Makakasama din kita!" Iyak na sabi ni Tine sa kaniyang ina.
walang nagawa