PAGKATAPOS ayusin ni Zoey ang bagaheng dala nila ni Greyson ay lumabas na siya ng kwarto sa private cottage na inuukupa nilang dalawa. Nasa Boracay na silang dalawa sa sandaling iyon. At nasa loob na sila ng private cottage kung saan aila mag-i-stay ng ilang araw do'n. Pagkalabas niya ay agad niyang nakita si Greyson. Nakatayo ito at nakatalikod ito sa kanya. Napansin niyang may kausap ito sa cellphone nito dahil nakita niyang nakasalpak ang hawak nitong cellphone sa tainga nito. "Anong klaseng regalo ang binigay mo?" narinig niyang tanong ni Greyson sa kausap nito. At base sa sinabi nito ay mukhang si Jackson ang kausap nito sa cellphone sa sandaling iyon. Hindi naman ito nagsalita, mukhang pinapakinggan nito ang sinasabi ni Jackson. "Really a porn movie?" wika ni Greyson. Hindi n

