NAPATINGIN si Zoey kay Zeus ng maramdaman niyang gumalaw ito mula sa pagkakahiga nito sa tabi niya. Akala niya ay magigising ito noong gumalaw ito, hindi pala. Umiba lang ito ng pwesto. Humarap ito sa kanya at ang maliit nitong kamay ay yumakap sa kanya. Halos isubsob din nito ang mukha sa braso niya. Ganoon talaga ang anak kapag natutulog. Masyado itong clingy sa kanya. May pinagmanahan talaga. Hindi naman niya inalis ang tingin sa anak. Ang himbing-himbing ng tulog nito sa sandaling iyon. At ang payapa ng tulog nito. Nang dumating si Greyson sa bahay nito kanina ay umalis na din silang dalawa ni Zeus do'n. Ayaw kasi niyang muling magharap ang mag-ama dahil baka may masabi pa si Greyson na makakasakit sa anak niya. At kapag nangyari iyon ay hindi niya alam kung ano ang pwede niyang ga

